Friday, July 31, 2015

Kwento, Karalitaan at Kasinungalingan

- Ayon sa kwento ng isang ina, kutsara at tinidor lamang ang baon ng kanyang anak na kolehiyo sa eskwela.  Dahil sa kakulangan ng pantustos ay nakikikain na lamang ang kanyang anak sa mga mapagmalasakit na kamag-aral.
- Ayon sa kwento ng isang maralitang taganayon, inabot lamang ng P300 ang nalikom nilang abuloy sa lamay ng kanyang yumaong kapatid.  Aniya, kulang na kulang ito pambili ng semento para sa pagpapalibing.
- Ayon sa kwento ng isang ama, una niyang pinauubos ang inuming tubig sa kanyang mga anak at apo bago magsimulang magsalu-salo sa hapag para mabusog agad at magkasya ang anumang kakarampot na hain.

Hindi lamang nilang tatlo ito kwento.  Kwento ito ng sambayanan.

P-Noy, makipamuhay ka muna sa mga batayang sektor bago ka maghabi ng kaSONAngalingan.
Kbyetnx.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...