Wednesday, September 30, 2015

Mga aktwal na biro ng masa ukol sa kanilang kalunos-lunos na kalagayan


"Ako ay taga-London!" = ibig sabihi'y loan dito, loan doon

"Ang inumin namin ay grape juice." = ibig sabihi'y gripo juice (tubig galing sa gripo)

"Ang gatas ng anak namin ay Nido." = ibig sabihi'y NIDOrog (nidurog o dinurog) na bigas (rice power).

"Nandiyan na naman ang mga Avon girls." = ibig sabihi'y AVONado (abonado) pa dahil sa pagiging barat ng mga customer nila

"Kami'y magsasako na lamang, hindi na magsasaka" = ibig sabihi'y napilitang ibenta ang mga huling sako ng ani na dapat ay magsisilbing binhi sa susunod na taniman; maaari ring ang ibig sabihin ay mistulang tagahawak na lamang sila ng sako nang magsimulang lumaganap ang mechanical harvester* sa sakahan (economic dislocation)

Mga biro pero nakakapanlumong katotohanan...

May maidadagdag pa ba kayo? Ipadala sa pamamagitan ng text.  May dagdag na puntos.

_________________
*ibinahaging kaalaman nina Pritz, Charles at Monday

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...