Thursday, September 24, 2015

Pambansang industriyalisasyon at nasyunalisasyon

Panayam kay Dr Edberto Villegas
Dating Tagapangulo ng Development Studies
Dating Tagapangulo ng DSS
Tagapangulo, IBON Foundation

Tanong: Ano pong mga strategic at vital industry ang dapat sumailalim sa pambansang industriyalisasyon sa bansa?


Sagot: Kabilang dito ang mga industriya ng langis, kuryente, tubig, pagmimina, transportasyon, produksyon ng pagkain, ospital, edukasyon, lupa, pabahay, bangko at iba pang bumubuo sa sektor pampinansiya.

Ang stock market ay bubuwagin dahil ang primaryang nakikinabang dito ay mga mayayaman lamang at ginagawang batayan ngayon ng paglago daw diumano ng gross national product.

Kapag nagpalit ng gobyerno sa pamumuno ng batayang sektor ay maaaring pag-usapan pa ang ibang industriya at serbisyo publiko na maaaring payagan ang pribadong sektor kagaya ng produksyon ng pagkain, kolehiyo at pabahay ngunit kailangang pumaloob ang mga ito sa mahigpit na regulasyon ng gobyerno. Bagaman maaaring magkaroon ng private school, kinakailangang nireregularisa ang matrikula at sweldo ng mga guro upang maging makatarungan.  Mahalaga ring maregularisa ang pagmamay-ari ng lupain upang maiwasan ang monopolyo sa lupa sa kamay ng iilan.

Pansinin na ang mga nabanggit ay kombinasyon ng industriya at serbisyo publiko.  Ang lahat ng ito ay magaganap lamang kung ang mga opisyal natin ay may moral na prinsipyo at hindi tiwali.  Bilyon-bilyong piso galing sa buwis ng mga mamamayan ang nalulustay ng mga kurakot na sana ay nagamit upang pondohan ang mga industriya at serbisyong nabanggit.  Bukod sa pagiging matuwid (morally upright) ay kailangan ding kumpetente ang pamunuan.  Kaya napakahalaga ngayon ng kultural na rebolusyon upang imulat ang mga kabataan sa tamang landas.


#textinterview :)
#ds122nidoced
#docedmentorforever

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...