‘Tol, Jologs, Itlog, Atpb.
ni John N. Ponsaran
Ang wika ay isang agham at sining ng pagkokonteksto. Sinasalamin nito ang maraming bagay tulad ng kultura, kapaligiran, ideolohiya at maging ang usapin ng kapangyarihan (power relations). Ang mga sumusunod ay ilan sa mga sangkutsadong punto ukol sa lalim at diwa nito.
Araro, kiskis, at bayo. Ang mga ito ay katagang may kinalaman sa pagsasaka. Subalit sa piguratibong pagpapakahulugan, ito ay maiuugnay sa mga sensitibong usapin tulad malisya o kabastusan. Ganoon din naman kung ang salitang sisid ang tutukuyin na nagtataglay din ng double meaning. Kapansin-pansin na ang denotative at connotative definitions ay may kaugnayan sa heograpiya at sa reyalidad ng productive (economic) at reproductive (biological) configuration.

‘Tol na mula sa salitang utol na pinaikling kaputol. Nangangahulugan ito ng matibay na pagkakabuklod sa pagitan ng dalawa o higit pang magkapanalig. Ito ay napaka-kaswal na point of engagement subalit may malalim pala itong pinag-ugatan.
Tanong: Bababa ba? Sagot: Bababa. Ang mga Pinoy ay nagkakaintindihan gamit lamang ang pagpapa-ulit-ulit ng iisang pantig (syllable).
Tao. Sinasalamin ng wika ang katangian ng tao gamit mismo ang katagang tao at mga derivatives nito. Halimbawa: makatao (at di-makatao), tau-tauhan, pakitang-tao, tauhan, atbp.
Pulitika at Kapangyarihan. Kapansin-pansin ang pagkakahalintulad (analogy) ng biyolohika na istruktura ng organismo at ng pampulitikang institusyon kung saan may ulo (pangulo), kamay (kanang kamay o vice regent) at galamay (alipores o ang mga taga-suporta). Ganitong-ganito ang kalikasan ng patronage politics sa Pilipinas.
Dualismo. Positibong ang mga katangiang iniuugay sa salitang itlog. Halimbawa: punlay, fertility, kasaganahan, atbp. Subalit kalunos-lunos na zero o bagsak naman ang ibig sabihin nito kung sa konteksto ng akademya ito gagamitin. Halimbawa: “Itlog” ang grado mo sa Algebra! Ganoon din naman sa kaso ng salitang kalabasa (nutritional value; pampalinaw ng mata vs. bagsak sa eksaminayon) at bilang 7 (mapalad na bilang vs. palakol o line of 7 sa report card)
Ebolusyon. Sa paglipas ng panahon, may iba’t-iba na tayong pagpapakahulugan sa salitang pare.
1. Pare (pinaikling kumpadre) o pagiging magkatuwang sa kasal, binyag, atbp.
2. Pare na isang term of impersonal engagement. Halimbawa: Pare, anong oras na?
3. Pare na isang term of endearment. Halimbawa: Salamat sa pakikiramay, pare.
4. Pare o P’re na pinasikat ni Roderick Paulate. Halimbawa: P’re, pa kiss naman d’yan!
5. Pare na tampok at naging popular bunga ng commercial advertisement ng isang shampoo na ang ibig sabihin ay gf.

Jologs (o baduy, masa, atbp.). May iba’t-iba itong bersyon ng pinaghalawan. Una, mula sa salitang Jolina’s Organization (o kabaduyan). Ikawala, mula sa salitang geologist sapagkat hindi na daw diumano alintana ng mga taong nasa ganitong linya ang maging balidoso o maselan. Mga cowboys, wika nga. Pangatlo, pinaikling dilis, tuyo at itlog (di-yo-log) na karaniwang pagkain ng masa (hoi polloi).
Samakatuwid, ang wika ay higit sa pagiging payak at maaari itong unawain sa iba’t-ibang pananaw—tradisyunal man, progresibo o post-modern. Replekyon ito ng kalinangan at kolektibong kamulatan (collective consciousness) ng isang pamayanan o subculture.

(Ang artikulong ito ay unang nailathala sa Libre-PDI)