Monday, May 09, 2005

MENTAL COLONIZATION

MENTAL COLONIZATION
ni John N. Ponsaran
University of the Philippines-Manila
jnponsaran@yahoo.com

Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng M.T.V., pelikula mula sa Hollywood at mga anunsyo ay sumasailalim ang mga bansang kabilang sa Ikatlong Daigdig (Third World Countries) sa mental colonization.

Kasabay nito ang pagkundisyon sa kamalayan (consciousness) ng mga mamamayan sa Ikatlong Daigdig na ang kulturang Kanluranin ang pamantayan (standard) ng moderno, kosmopolitan at maunlad na lipunan (affluent society). Pansinin ang mga pelikulang may temang Wild Wild West kung saan ang mga puting taga-kanluran (Caucasoid) ang siyang bida at ang mga American Indians naman ang mga kalaban.


Sa Pilipinas, may mangilan-ngilang pelikulang action-comedy din ang ibinatay sa temang ito. Bukod pa rito ang mga pelikulang may gasgas na temang umiikot sa mga espesyal na misyon ni James Bond laban sa mga komunista na sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalaganap ay naging epektibo sa paghubog ng kaisipan ng mga susunod na henerasyon. Ang mga ganitong materyales ay napakapopular at kontrobersyal lalo na noong kasagsagan ng Cold War. Matatandaan na naging mainitan ang propaganda warfare na namamagitan sa U.S.S.R. at U.S. nang yugtong ito.

Sa mga paraang ito ay naipapakilala at naipapalaganap ng mga bansang Kanluranin ang kanilang kultura at kaisipan sa iba pang panig ng mundo. Taktika ito upang mapalaganap din ang konsumerismo, karirismo, kredensyalismo at neoliberalismo sa pinakamalawak na sakop.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...