ni Diwang Palaboy
- mas dumarami ang mga umaakyat sa bundok para sumama sa armadong pakikibaka
- mas dumarami ang mga umaakyat sa mga billboards para magpakamatay
- mas dumarami ang mga sex workers sa loob o labas man ng casa
- mas dumarami ang mga nagdodroga upang ipantawid ng gutom
- mas dumarami ang mga bugnutin at emosyunal
- mas dumarami ang mga sumusulat sa kani-kanilang pulitiko para humingi ng tulong pampinansya
- mas dumarami ang mga kumukuha ng passport sa DFA
- mas dumarami ang mga gustong mag-artista (as a way out of poverty)
- mas dumarami ang mga gumagamit ng uling
- mas dumarami ang mga nangungutang sa 5/6
- mas dumarami ang mga pawnshops o sanglaan
- mas dumarami ang mga mukhang matanda (kahit na nasa edad 30-40 pa lang)
- mas dumarami ang mga nabibiktima ng nakawan
- mas dumarami ang mga OSY
- mas dumarami ang mga bumibili ng kalahating order ng ulam sa karinderya
- mas dumarami ang mga nanghihingi ng sabaw (matatandaan sa kasaysayan ng daigdig na mahalaga ang naging papel ng sabaw upang maitawid ng mga mamamayan ang gutom lalo tuwing laganap ang kahirap o nasa kasagsagan ng digmaan)
- mas dumarami ang populasyon (na higit na nagpapalala sa sitwasyon)
- mas dumarami ang mga kaso ng aparisyon ng Mahal na Birhen diumano
- mas dumarami ang mga produktong de-sachet
- mas dumarami ang mga bahay sa ampunan
- mas dumarami ang mga kumukuha ng B.S. Nursing
- mas dumarami ang mga umaanib sa mga charismatic groups at kulto
- mas dumarami ang mga panatiko sa artista, ideolohiya, relihiyon at iba pa
- mas dumarami ang mga nagbebenta ng lupa at sasakyan
- mas dumarami ang mga naba-bankrupt na bangko, insurance company at negosyo
- mas dumarami ang mga nagbebenta ng bahagi ng katawan (kidney, dugo, atbp.)
- mas dumarami ang mga nagpapaupa ng bahagi ng kanilang bahay, compound, atbp.
- mas dumarami ang mga paaralan na may M.A./M.S. at Ph.D. course offerings para sa mga nagmamadaling makatapos ng walang kahirap-hirap (for promotion or prestige)