Sunday, September 10, 2006

Sabi-sabi

Sabi ng isang kaibigang copy editor, marami raw siyang kakilala na nagtutuloy sa abogasya (law studies) dahil lamang sa dalawang bagay. Una, mayaman. Ikalawa, tinatamad pang magtrabaho. Hindi dahil gusto talaga nila. Parang gusto kong maniwala.
* * *
Mas lalaganap na naman ang nakawan. Magpapasko na eh. Isang indikasyon na laganap na ito ay tayo na mismo ang biktima. Dati kasi ay kakilala lang ng kakilala natin o personal nating kakilala. Doble ingat. Ako man ay nanakawan na dati ng laptop. Pang-inis! Buti na lang ay may mga back-up files ako. Minsan kasi ay biktima tayo ng myth of invinsibility. Ito yung kaisipan na sa iba lamang mangyayari ang kamalasan at hindi kailanman sa atin. Yung tipong sila lamang ang magkakasakit ng TB, masusunugan ng bahay, masasagasaan sa Taft, magigripuhan (masasaksak) sa Quaipo, mawawalan ng simcard, aabutin ng LBM sa jeep, mananakawan ng halik sa masikip na mall, atbp.
* * *
Sabi sa akin na isang dating opisyal ng UP ay karaniwang nagtatagumpay daw ang mga dating naging student assistant pagkatapos ng kolehiyo.
* * *
Sabi ni Ellen Tordesillas ay hindi raw oposisyon si Pangilinan. Tila sinasabi pa nga niya na may pagka-oportunista ito. Malaki raw ang pananagutan niya dahil puro "noted!" lamang ang bukambibig ng senador nang iginigiit ng mga taga-oposisyon na itigil ang canvassing ng boto dahil sa malawakang dayaan sa eleksyon ng pagkapangulo. May selective amnesia nga yata tayo.
* * *
Kung magkaka-eleksyon ngayon, narito ang mga iboboto ko sa pagka-senador batay sa listahan inilabas ng SWS: M. Villar, L. Legarda, AP Cayetano, J. Arroyo, F. Escudero, G. Remulla, B. Fernando, J. Binay, S. Ocampo, C. Soliman (kaso 'di pa sigurado kung tatakbo nga ang mga ito)
Pero kailangan sigurong may mas masinsing background check para 'di ko panghinayangan ang boto.
* * *
Batay sa survey ng Transparency International (2005), 76% ng mga Pilipino ang naniniwala na lalala ang kaso ng korapsyon sa susunod na tatlong taon.
* * *
Sino kaya ang susunod na magiging bagong dean ng CAS? May kanya-kanya ng mga manok ang bawat grupo. May pagkakaiba kaya ang national politics at competition for deanship sa UP?
* * *
Ang Pasko ay para lamang sa mga bata, sabi ng isa kong kamag-anak. Parang totoo.
* * *
Sana maibalik ang dating sigla ng L.T. Dahil sa kakulangan ng badyet (at iba pang porma ng suporta???), napakatumal na ng pagtatanghal ng mga talakayan. Ang CAS ay hindi na CAS kung puro variety shows na lang ang itinatanghal sa LT. Nasaan na ang dating intellectual ferment sa CAS, tanong ng isang dati kong propesor. Sayang ang mga naiisip na magagandang proyekto ng mga orgs sa UP. Hindi ko alam kung sino ang dapat sisihin. Isa o dalawang tao lang ba o structural na ang kalikasan ng problema? O baka pareho?

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...