Wednesday, August 15, 2007

globalisasyon

  • paano pa kaya babaguhin ng globalisasyon at kapitalismo ang konsepto natin ng oras, espasyo, kultura, buhay at kabuhayan sa hinaharap?
  • hindi lahat ng tao ay handa at may kakayahang umangkop sa sagadsarang globalisasyon. madaling humusga lalo na kung hindi tayo ang aktwal na nakararanas. ang mga mahihirap kasi ang pinakabulnerable sa pandaigdigang larong ito .
  • para sa marami, mas madaling kumampi sa anuman o sinumang nananaig (halimbawa: kapitalismo). kumbinyente e. no brainer kasi, sabi ng iba. effortless, kumbaga. (read: mahirap maging aktibista, anuman ang pagpapakuhulugan natin dito)
  • lahat tayo ay nakinabang o naperwisyo (o kombinasyon) ng globalisasyon sa iba't ibang paraan at antas (degree). sa kadulu-duluhan, isyu pa rin ito ng ating pag-angkop, pagtanggap (o di-pagtanggap) at pagpuproseso.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...