- Taas-kamao para sa mga mag-aaral ng PUP na aktibong tumututol sa panukalang itaas ang kanilang matrikula mula P12 kada unit patungong p75. Madaling mapakilos ang mga mag-aaral dahil sa kanilang materyal na kondisyon (economic) at sa masikhay na pag-oorganisa ng mga lider-estudyante. Mabuhay kayo! (Note: Bukod sa PNU, gusto kong makapagturo sa PUP.)
- Sa Adamson, "classmate" ang tawagan ng bawat mag-aaral kahit ang mga magkaibang year levels. (culture of inclusivity, NOT EXCLUSIVITY). Lampas sa 3 taon ako nagturo sa pamantasang ito. Masisipag ang mga mag-aaral.
- Sa UP, hindi kasama ang General Psychology, Introduction to Economics at Philippine Government and Constitution bilang General Education (GE o RGEP). NAPAKASAKLAP.
- Isang dekada na ako sa UP (1997-2007) bilang mag-aaral sa undergrad (1997-2000), mag-aaral sa masteral (2001-2004) at guro (2002-2007). Wala akong balak magdoktorado.
- Maraming eskwelahan ang hindi tumanggap sa akin noon tulad ng AMA Computer Learning Center along Pedro Gil, Santa Isabel College at Arellano University. Hindi rin ako pinansin ng Philippine Women's University at Philippine Christian University sa kabila ng pangungulit ko dati.
- Gusto kong mag-aral ng basic electronics kung may pagkakataon. Accountancy kasi ang T.H.E. namin noong HS.
- Ang pagkakamit ng M.A. o Ph.D. degree ay mas usapin ng disiplina kaysa sa talino. Maaaring mali ako.
- Alam natin ang ibig sabihin ng MLQU. Mahusay na eskwelahan daw ito noon. Pero bumulusok na ngayon. Kaya minsan may mga palabiro at mapanghusga na nagsasabi na ang ibig sabihin nito ngayon ay "MLQuick". Ibig sabihin, kung gusto mo raw makapagtapos agad ng M.A. o Ph.D. dito ka pumasok. SA KATOTOHANAN, MARAMING PAMANTASAN ANG MAITUTURING NA "MLQUICK".
Wednesday, August 15, 2007
random thoughts
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...