Friday, May 09, 2008

Para kay Matilda Bicolandia

Huwag laging de-kahon mag-isip.
Baka kasi wala nang ibang maniwala o
kahit makinig man lang kinalaunan.
Mas mahirap 'yon 'pag nagkataon.
Sa halip na makahimok ng kasapi ay
baka mas dumami lang ang katunggali.
Matutong umunawa.
Matutong umangkop.
Matutong lumugar.
Matuto ng bago.
Pero 'di kailangang isaisantabi ang luma.
'Di rin kailangang isakripisyo ang prinsipyo.
Sadya lang na hindi pare-pareho ang kahandaan
ng lahat na magpanibagong hubog agad.
Kaya inaasahan ang iba't ibang paraan at antas ng pag-oorganisa
upang isakatuparan ang anumang makabuluhang pagbabago.
Magkakaiba ang katangian ng mga tao.
Wasto man ang prinsipyo
pero 'di angkop ang taktika,
magbubunga pa rin ito ng kabiguan.
Alam natin 'yan.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...