Tuesday, April 28, 2009

random points and links

  • 3 ways to deal with risks: to avoid, to transfer, to manage
  • industrial waste exchange program = http://www.pbe.org.ph/iwep.htm
  • power elites: business moguls, government officials and military leaders
  • kalipay = happiness

Monday, April 27, 2009

random thoughts

  • Dahil sa 'di maingat na pagbibigay o pagtatago
    ng impormasyon ukol sa sarili,
    lumalaganap ang identity theft at identity damage.
  • Dalawa, ayon kay Prof. Simbulan, ang paraan para kontrolin
    ang tao: takutin at idemoralisa*
  • Sa pangkalahatan, dalawa ang kailangang tinutugunan
    ng mga gobyerno sa daigdig ukol sa swine flu:
    threat of pandemic at public panic**
  • Mas maagang magsimulang mag-ipon, mas mabuti.
    Ito ang ipapayo ng kahit sinong financial planner consultant.
  • Karaniwang balangkas ng isang technical paper:
    introduction, method, result, conclusion
  • 4 na ang Arroyo sa Kapulungan ng mga Kinatawan:
    Iggy, Mikey, Dato at Lourdes.
    Tiyak abot tenga ang ngiti ng mag-asawang Arroyo.
  • self-Googling = ego-surfing (http://www.time.com/)
  • Ayon sa mga progresibo, si Palparan ang kinatawan
    ng mga human rights violator sa Kongreso.
  • Tama si Prop. Tolentino. May mga mamamayan
    na naaabot ang pagiging panggitnang-uri.
    Samantalang ang nakararami ay nag-aasta lamang
    na kabilang sa uring ito dahil sa ilusyong
    pinapalaganap ng midya. Nagiging palakonsumo
    ng mga bagay na bukod sa hindi naman talaga esensyal
    ay nakasasama pa sa kalusugan.
  • Tama ang opinyon ng isang kolumnista,
    "Credit card is actually a debt trap."

    ____________________
    *Ibinahagi ni Yfur Fernandez
    **www.inquirer.net

Thursday, April 23, 2009

Pinakatampok sa naaalala ko sa inyo...

  • Bacon (AVP ukol kay Ka Bel)
  • Balanag (sinulat at binasang sanaysay ukol sa G-shot)
  • Catsao (Chesnut)
  • Fajardo (malupit na bantay ng mini-forest station sa ecopark)
  • Freyra (spot near the door of DS 127's classroom)
  • Frias (tanghal-tula ukol sa abjection)
  • Gagarin (jobhunting sa Makati)
  • Navarro (report on ecofeminism)
  • Reburiano (Gwapotel inputs)
  • Rigodon (haiku juror)
  • Sanicas (corn grenade giveaway)
  • Tria (LPS palpitation during DS 127)
  • Erive (Darna sa cosplay)
  • Go (pinakamaalalahanin)
  • Laforteza (1.o lagi)
  • Lepatan (tula ukol sa cross-cultural psychology)
  • Lu (katatagan at kasikhayan sa Montalban)
  • Morano (tanghal-tula ukol sa cultural politics of Biolink)
  • Rodriguez (tuwinang tanghal-tula sa LT)
  • Rosario (Agham Panlipunan book giveaway)
  • Solano (tanghal-tula ukol sa Binondo)
  • Teves (masigasig dumalo sa mga sampaksaan)
  • Torres (urban militarization inputs in DS 125)

    Sa totoo lang, mas marami pa d'yan.
    Magkukulang ang espasyo.
    Salamat sa 4 na taong pagbabahagi
    ng kaalaman ninyo sa klase.
    Maligayang pagtatapos sa pamantasan
    at hangad ko ang patuloy n'yong tagumpay.

Sunday, April 19, 2009

Mga dahilan kung bakit kumukuha ng masterado o doktorado ang isang tao

  • Para magpakadalubhasa
  • Para magkaroon ng bagong karanasan at kaalaman
  • Para may maiambag na bagong kaalaman sa literatura
  • Para huwag tuluyang makalimutan ang inaral
  • Para subukin ang kakayahan o alamin ang limitasyon
  • Para tumaas ang ranggo; para maging administrador
  • Para tumaas ang sahod
  • Para magkaroon o madagdagan ang kredibilidad
  • Para tumaas ang kwalipikasyon
  • Para magkaroon ng permanenteng trabaho
  • Para magkaroon ng direksyon ang career
  • Para makalipat ng kumpanya o linya ng trabaho
  • Para dumami ang kakilala (na kapaki-pakinabang paglaon)
  • Para makapagturo sa kolehiyo
  • Para may pagkaabalahan lang
  • Para patuloy na tustusan ng magulang o asawa
  • Para ipagpaliban ang paghahanap-buhay
  • Para takasan ang ibang bagay na mas mahalaga
  • Para mawala ang umay, pagkaburyong o pagkasawa sa trabaho
  • Para makipagkumpitensya, makipagsabayan o para 'di mapag-iwanan
  • Para may maipagmalaki sa sarili o sa kapwa
  • Para ituloy ang kinagawian sa pamilya o barkada
  • Para mapagtakpan ang ibang kahinaan
  • Para sa pangangailangang itinakda ng institusyong kinabibilangan
  • O kumbinasyon ng ilan sa mga nabanggit

    May maidadagdag ba kayo?

Hinanakit (a forwarded text joke)

"I used to think that being the first, being strong
and being simple would win the hearts of many...
But I was wrong, popularity isn't really forever."

-NOKIA 5110


Call it planned obsolescence
http://en.wikipedia.org/wiki/Planned_obsolescence

random thoughts

  • Nagtatagisan ang mga campaign ad nina Roxas at Villar.
    Sa tingin ko, mas epektibo ang kay Villar.
  • Tama si Fr Bernas, isang constitutionalist.
    Kailangan sumailalim ng double examination
    at double voting ang pagbabago sa Saligang Batas.
    Samakatwid, dapat hiwalay itong suriin, pagdebatihan
    at pagbotohan ng dalawang kapulungan ng Konggreso.
  • Ang modernisasyon ay laging may
    mga kaakibat na panganib.
    Namumuhay tayo sa isang risk society, 'ika nga.
    Samakatwid, kung hindi magiging maingat at
    mapagbantay ang mamamayan ay maaaring lumaganap
    ang automated cheating sa ipapatupad na automated poll.

Thursday, April 16, 2009

Resilience

What do you think is the foremost source
of the Filipino's resilience to crises?

  • His spirituality
    - Prof. Mariam Tuvera, UP Economics professor

  • Relationships, being able to express, humor and food
    -Ms. Chat Jemena, University researcher, UP

  • The strong family support system and belief in god
    - Prof. Roland Simbulan, former UP faculty regent

  • There is the archetypal image of the bamboo in the Filipino
    unconscious that has become a part of our genetic pool.
    This is evident in the presence of the image of the bamboo
    in the myths and legends of the people.
    -Prof. Grace Odal-Devora, UP arts and communications professor

  • The Filipino's bahala na fatalism
    -Atty. Ismael Khan, former Supreme Court spokesperson

  • Resignation - their getting used to it
    -Prof. Evelyn Jimenez, UP Philosophy professor

  • It's the bahala na habit kicking in but instead of
    a bad effect, it becomes positive
    -Mr. Yar Min Thant, Burmese

  • Faith in God
    -Dr. Ana Maria Tabunda, Pulse Asia Executive Director

  • Sense of humor
    -Prof. Mary Dorothy Jose, UP History professor

  • Prayers
    -Prof. Melissa Alcazaren, CSB Psychology professor

  • Their bahala na attitude
    -Prof. Benjamin Mangubat, UP History professor

  • Blind faith (Sorry if that is a bit harsh)
    -Mr. Mike Wooton, Manila Times columnist

  • A mixture of many things: our strong faith,
    lack of too much conveniences in life
    makes us easily adapt
    -Dr. Angelita Galban, UP Community Dentistry professor

  • Sense of humor
    -Atty. Christian Monsod, former COMELEC Chairman


  • Sense of humor
    -Prof. Jerome Ong, UP history professor


  • Filipinos are quick to adapt to situation,
    frugal by nature, hardworking, disciplined,
    wise-spenders, and has the ability to save
    when difficult times are anticipated
    -Nelia Gonzales, UP Board of Regents member


  • Family and social network for economic
    and emotional support and optimistic view
    that things will get better in the future
    -Dr. Judy Taguiwalo, incumbent UP Faculty Regent

  • Filipino's will to survive, optimism
    and natural happy disposition
    -Atty. Rowena Soriano
    BSP Legal Department

Wednesday, April 15, 2009

Guidelines to Teaching Economics by Dr. Edberto Villegas

The Development Studies Program under which Economics
subjects are taught has a differentapproach and perspective
in teaching Economics.

In all classes in Economics to be conductedby its faculty,
especially on the methods of teaching the subjects,
the following guidelines are hereby presented:

1. The making relevant of the teaching of Economics to
particular conditions of society and with regards to the
Philippine situation to respond to its maldevelopment as
exemplified in the extent of the poverty of its people and
its heavy dependence on foreign capital.
This would necessitate the analysis of the roots of the
maldevelopment of the Philippines historically and structurally.


2. The application of the methods of Political Economy
in studying the economic situation, which means
examining the social relations of production of
people (class analysis) and the means of production
of society (land, labor, capital) and their modes of
utilization and the impacts of the economy on the
political and cultural systems of society.

3. The rejection or the disabuse of the mentality of
considering the economic activities of humans
as independent from their valuing activities.
We advance that the study of economics as well as all
social activities of people cannot be value-neutral as
the positivists would have us to believe because humans
are valuing animals as well as being rational (Aristotle, Kant).

4. Development studies in the Philippines as viewed by
our program is thereby pro-people
(pro-masses, particularly the poor and the marginalized)
and takes a nationalist point of view. The latter aims for a
self-reliant policy in launching national industrialization
and agricultural development for the Philippines,
primarily to promote the welfare of the majority Filipino.

5. Development Studies Program rejects a purely abstract
and mathematical presentation of economic variables
neglecting its social relevance. We believe that mathematics
is just a tool in order to advance the good of society
especially the democratic majority. In itself,
mathematical economics, for example, the graphical
presentation of the law of supply and demand,
is meaningless if cannot be used as a method to correct
inequitable distribution of resources in a society.

Happiness na nakalulungkot

Happiness ang karaniwang buzz word ngayon sa mga commercial ad.
Kapansin-pansin ito sa ad ng isang carbonated drink at multivitamins.
Malayong malayo ang pagsasalarawan nila ng happiness sa
tunay na katuturan at pinagmumulan ng damdaming ito
para sa mayorya ng mamamayang Pilipino - magsasaka at manggagawa.
Sabagay, karamihan naman talaga ng mga patalastas
ay mapanlinlang at mapagmanipula, bukod sa pagiging eksaherado.

Pagkilala

Pagkilala kay

G. Enrique Tejada
Chair, National Network of Agrarian Reform Advocates - UP Manila
Senior student, BA Development Studies

para sa kanyang mahalagang ambag sa pagmumulat
ng mga kapwa mag-aaral sa pamantasan at pakikiisa sa laban ng
pinakamalawak na uring pinagsasamantalahan - ang mga pesante.

2009 DevStud Practicum Sites

  • Tarlac (Dr. Villegas)
  • Nueva Ecija (Dr. Villegas)
  • San Jose del Monte, Bulacan (Prof. Simbulan)
  • KASAMA-TK (Dr. Villegas)
  • Batangas (Dr. Villegas)
  • Binangonan, Rizal (Prof. Simbulan)
  • Montalban, Rizal (Prof. Simbulan)
  • Quezon Province (Atty. Baguilat)
  • Mindoro (Atty. Baguilat)

Monday, April 13, 2009

Unloading...

Kung dami ng naipong papel ang pagbabatayan,
malamang 'pinakamayaman' ang mga titser.

Kung masusunog ang kanyang bahay,
tiyak na kanyang bangkay ang pinakamatutupok ng apoy
sa dami ng papel na naipon sa kanyang silid.

Sa nakalipas na bakasyon, nangahas akong
linisin ang aking mga istante at kabinet.

Saku-sako at kahun-kahong papel, magasin, libro
at mga babasahin ang aking natipon.

Ang iba ay ibinenta ko sa junk shop at book shop.
Ang ilan ay ibinigay ko mga silid-aklatan ng kalapit
na mataas na paaralan at itatayong kolehiyo
sa aming lugar. Sana pakinabangan nila.

Itinira ko naman ang iba para magamit ko pa rin
habang ako'y nasa propesyong ito.

Sunday, April 12, 2009

3 nakakakabang tagpo...

  • Perspectives on poverty and underdevelopment (Nov 2002)
    (topic of the lecture I delivered when
    I applied as a part-time lecturer)
  • Mcdonaldization of the Philippine society (May 2005)
    (topic of the lecture I delivered when
    I applied for a full-time teaching position)
  • Political economy of medical tourism (May 2008)
    (topic of my tenureship lecture)

random thoughts

  • Kinamusta ko ang isang dating estudyante.
    Isa s'yang dayuhan pero kapwa ko Asyano.
    Sa bangko raw s'ya nagtatrabaho ngayon.
    "So, you're enriching yourself?", biro ko.
    "It's not enrich, it's being enslaved," sagot n'ya.
    Palagay ko'y nagsasabi s'ya ng totoo.

  • Tama si Dr. Villegas.
    Hindi raw katumbas ng pananampalataya
    ang pagiging relihiyoso.
    Ang pananampalataya ay maaari
    ring tumuko'y sa ibang bagay.
    Halimbawa, faith in the revolution, faith in the masses.

    "Faith is a vital human force," dagdag niya.
    Ito ay malakas na pwersa na maaaring magbuklod sa tao.

  • Sa lahat ng magtatapos, pangatawanan
    ang pagkakaroon ng UP diploma.
    Sa mga magtatapos ng may karangalan, pangatawanan ito.

Tuesday, April 07, 2009

Holy Week

Question from a Sociology masteral student:

Do 'modern' Filipinos find the Holy Week a time for religious reflection
or a respite from the daily grind?

My answer:

The Holy Week is both a religious and secular event
in varying degrees to most Filipinos.
Though it is religious in origin,
we cannot disregard its economic dimension.
Take note of a palaspas vendor I know who
considers his job as a panata and
a seasonal source of livelihood at the same time.



Thursday, April 02, 2009

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Mamamahinga muna.
Mag-iipon ng lakas.
Sa takdang panahon, muling mananalanta.

-Diwang Palaboy

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...