Saturday, May 29, 2010

Pagkilala


Pinakamataas na pagkilala sa mga mag-aaral ng DS 190 (practicum)
ngayong 2010 na nakipamuhay sa mga piling komunidad
ng masa sa mga lalawigan ng Gitlang Luzon at Timog Katagalugan.



Friday, May 28, 2010

DevStud course offering (1st sem, 2010-2011)

  • DS 111 (Dev't of Capitalist and Socialist States) Villegas
  • DS 121 (Study of Philippine Underdev't) Villegas & Baguilat
  • DS 123 (Health, Culture and Society) Ponsaran
  • DS 125 (Internat'l Aspect of 3rd World Dev't) Baguilat
  • DS 126 (Politico-Administrative Institutions) Simbulan, Wacnang, Ponsaran
  • DS 127 (Human Ecology) Ponsaran
  • DS 128 (Human Resource Dev't) Wacnang & Baguilat
  • DS 140 (Special Problems in Dev't) Veluz
  • DS 151 (Program Planning & Policy Formulation) Clavel
  • DS 199.1 (Thesis Proposal) Villegas & Simbulan
  • SocSci 120 (Directed Rdgs in SocSci) Simbulan
  • Econ 115 (Philippine Economic History) Ponsaran
  • Econ 121 (Banking & Finance) Sevilla
  • Econ 141 (International Trade) Arcilla
  • Econ 151 (Public Finance) Mecina
  • Econ 101 (Macroeconomics) Arcilla
  • Econ 102 (Microeconomics) Mecina & Sevilla
  • Econ 11 (Introduction to Economics) Arcilla & Mecina
  • NSTP CWTS 1 (Political Economy of Dev't) Ponsaran

Practicum conference committees

  • Over-all coordinator: Mendoza
  • Deputy coordinator: Burgos
  • Emcees:
    AM: Abris & Galang
    PM: Cesar & Burgos

  • Program, invitation and poster lay-out committee
  • Technical committee
  • Registration committee
  • Stage design committee
  • Marshalls
  • Exhibit committee
  • RTR committee
  • Food committee

    Magmunghaki ng angkop na titulo para sa practicum conference.
    Ang mga nakaraan titulo ay:
    Lalawigan: Mula sa Masa, Tungo sa Masa (2008)
    Daluyong: Pakikibaka ng Masa sa Gitna ng Krisis (2009)
    May karagdagang puntos sa Econ 115 kung mapipili ang iyong mungkahi.

Tuesday, May 25, 2010

Practicum Conference AVP (katumbas ng proyekto sa Econ 115)


  • UNANG BAHAGI
  • Ang bawat grupo ay dapat magpasa ng 5-6 pahinang narration/script/text na magsisilbing voice over para sa AVP (TNR 12, double spacing). Isaad rin dito ang transcription ng isasamang panayam sa porma ng video clip. Isama na rin ang iba pang teksto tulad ng dedikasyon, pasasalamat at iba pa.
  • Isulat ito sa wikang Filipino.
  • Maikli lamang dapat ang bawat pangungusap
  • Mag-isip ng angkop na titulo para sa AVP (halimbawa - Katig: Sandigan ng Masang Namamalakaya, Kiriwi: Kasalatan sa Batayang Pangangailangan ng Tribung Alangan Mangyan). Mas mainam kung mas maikli.
  • Kailangan may (1) introduksyon ng lugar, mamamayan at isyu, (2) datos at pagsusuri ukol sa isyu at (3) rekomendasyon at konklusyon
  • Isang partikular na isyu lamang ang kailangan tutukan at gagawan ng AVP.
  • Tiyaking may susuportang datos (facts and figures) sa inyong mga pahayag at argumento.
  • Ipasa ito sa umaga ng May 31 (Lunes) sa DSS. Sa araw na iyon ko rin iwawasto para maibalik agad sa inyo.
  • Dapat maapruba muna ang narration/script/text bago magsimulang bumuo ng AVP.



  • IKALAWANG BAHAGI
  • Tiyaking malinaw, may diin at malakas ang boses ng narrator. Maaaring 1-2 ang gumampan nito sa bawat grupo (magkasunod o halinhinan)
  • Gamitin lamang ang mga panayam sa porma ng video clip kung ito ay makakatulong sa diskurso ng inyong AVP. Gamitin lamang ang video clip na ito para bigyang diin ang inyong argumento. Samakatwid, huwag i-asa sa panayam ang buong AVP. Kaya mahalagang mahusay ang narration dahil ito ang magsisilbing salalayan ng inyong AVP.
  • Maglagay ng subtitle. Tiyaking sapat ang laki at tama ang ispeling.
  • Kung kinakailangan, saliwan ng angkop na background music (instrumental) ang narration. Iwasang matabunan ang narration ng nakabubulahaw na background music. Maaari namang gumamit ng background music na may lyrics sa bahaging walang narration o pawang larawan/video lamang ang ipinapakita.
  • Iwasang magkapare-pareho ng background music. Nakakabagot manood ng mga AVP na may pare-parehong saliw na tugtog.
  • Iwasang maging magastos para sa proyektong ito. Magpatulong sa mga bihasa sa pagbuo ng AVP.
  • Bibigyan natin ng kopya ng AVP ang DSS, mga POs at NNARA.

  • Dapat basahin ang Gabay sa Pagbuo ng AVP ni G. Yfur Fernandez (I-google: Gabay sa Pagbuo ng AVP). Makakatulong ito ng malaki.

Wednesday, May 19, 2010

Prof. JPaul Manzanilla on people's art


"People's art represents the concerns, ideas and aspirations of the people. I speak of people in broad terms, that of the collective, the majority in any national or social formation. At the risk of being accused of reducing the people in a homogenous category, we must assert that people are those that define the course of history; not the individual but asserting the importance of the individual, not the big men of history but the unnamed and unnameable, the toiling masses that continually assert their existence against their daily erasure in daily life and its representation in art."

Monday, May 17, 2010

Kaginhawahan


12 domeyn ng kaginhawahan (well-being) batay sa pag-aaral ng CSWCD, Kagawaran ng Sosyolohiya at Kagawaran ng Sikolohiya ng Pamantasan ng Pilipinas Diliman


  • Tirahan at kalidad ng pamayanan
  • Trabaho at kalidad ng pagtatrabaho
  • Personal na ipon at pag-aari
  • Kita at ipon ng pamilya/sambahayan (household)
  • Relasyon sa asawa, pamilya at kaibigan
  • Paglilibang
  • Pisikal na kalusugan
  • Sikolohikal at emosyonal na kalusugan
  • Pananampalataya at ispiritwal na buhay
  • Kaalaman at impormasyon
  • Pampulitikang partisipasyon
  • Kapayapaan, kaayusan at serbisyo ng pamahalaan
Para sa detalye ng pag-aaral, maaaring basahin ang librong Ginhawa, Kapalaran at Dalamhati (patnugot Dr. C. Paz)

Pagsusulat


Ayon kay Prop. B. Mangubat, isang manunulat at dalubguro ng UP Manila, ang pagsusulat ay may 3 lebel.

1. Nagpapataas ng kamulatan ng tao para sa ikalalaya niya sa mapang-aping lipunan
2. Para aliwin ang iba
3. Pang-aliw sa sarili

Pinakamataas ang una dahil patuloy ang adhikain ng bawat isa na lumaya mula sa opresibong imprastraktura ng lipunan at estado.

Thursday, May 13, 2010

Help!


I am currently compiling the recruitment process experienced/undergone by my former students during their job search. Others are also encouraged to take part. The idea behind this endeavor is to guide future job applicants from the lower batches. Kindly help us by sending your stories at jnponsaran@yahoo.com. Rest assured of the confidentiality of your identity and the companies involved. The summary will be posted here at Diwang Palaboy. Salamat po.

Wednesday, May 12, 2010

Ponsaran's tentative load for the 1st semester of AY 2010-2011

  • NSTP I - Political Economy of Development
  • Econ 115 - Philippine Economic History
  • DS 126 - Politico-Administrative Institutions and Behavior
  • DS 123 - Filipino Identity and Culture (with focus on health)
  • DS 127 - Human Ecology and Development

Kakaibang kampanya


Saksi tayo sa iba't ibang natatangi/kakaibang istilo ng pangangampanya nitong nakaraang eleksyon. Isa sa mga nadiskubre ko ay ang pamimigay ng kalabasa ng isang kandidato sa mga masang botante sa Cavite. Magbigay ng iba pang halimbawa. Ipadala ito sa jnponsaran@yahoo.com. Salamat.

Tuesday, May 11, 2010

Kasaysayan


"Ang Kasaysayan ay pagsariwa ng nakaraan natin kapag tagtuyot ang hinaharap."


Dr. Jaime B. Veneracion
UP History Professor
Former Chair, Department of History
UP Diliman

The other side of the coin


Election-related problems in the 2010 automated elections

  • Delayed opening of several voting precincts due to technical glitches
  • Poor crowd control (voters, watchers, observers, etc.)
  • Voting place and procedure are not conducive to the disabled and senior citizens
  • Intermittent/continued power failure in several areas
  • Failure of elections in various localities due to the absence of Board of Election Inspectors (BEI) - e.g. Lanao del Sur
  • Wrong delivery of ballots (Iloilo, Samar)
  • Outdated voter's list
  • Under-aged and flying voters
  • Disenfranchisement of voters due to the failure to locate the their names in the official voter's list, or their designated precincts, and their impatience to long queues and disorganized voting procedure
  • Inaccessible Comelec online precinct finder due to in the insufficient bandwidth of the Comelec website
  • Improper voting procedure (e.g. non-application of the indelible ink)
  • Lack of ballot secrecy folder in several voting precincts
  • Long lines due to large volume of voters per clustered precincts (600-1000 voters), malfunctioning PCOS machines and poor automation familiarity
  • Faulty PCOS machines (e.g. power button malfunction, initialization error, etc.)
  • Limited back-up PCOS machines per city/municipality
  • Damaged PCOS due to poor crowd control and security
  • Overheating of PCOS machines
  • Late delivery of PCOS machines and compact flashcards
  • Defective compact flashcards
  • Malfunctioning PCOS batteries
  • Paper jam incidents
  • Several ill-equipped technical support staff
  • Spoiled/rejected ballot due to improper shading, unnecessary markings (ink, water, etc.), unintended crumpling/folding of ballots or for no apparent reason
  • Pre-shaded ballots to favor particular candidates
  • Vote buying incidents (for as low as P20 to as high as P5,000 per head)
  • Election-related violence (e.g. assassination, bombing, ambush, harassment) - 80+ incidents
  • Delayed transmission of voting results due to poor transmission signals and malfunctioning flashcards

    Sources: personal field visits, TV, radio and online monitoring (GMA, ABS-CBN, ANC), reports from current and former students in UP.

Friday, May 07, 2010

Ala-ala (Batch 2010) : )


  • Elefan (rock star)
  • Gamao (Lord, Son of God!)
  • Lara (No ID, No Entry)
  • Lopez (thesis mode)
  • Tan (student ko ng 8 semestre)
  • Villanueva (muse ng Batangas group)
  • Belgira (nutritionism to drug security)
  • Bruselas (Ma[agkamalang foreigner sa practicum site)
  • Caranto (Hillary Clinton)
  • Cauton ("J")
  • Concepcion (seryoso)
  • Eguico (GMA impersonator)
  • Hechanova (Best thesis)
  • Honrade (SM Dasma)
  • Martinez (Lady Godiva)
  • Mayoca (Dean Mayoca)
  • Onanad (Bamboolalakaw)
  • Politud (Ma. Rosa Henson cosplay)
  • Rosales (student ko ng 8 semestre)
  • Advani (Prof. Advani - possible career option)
  • Angeles (Midnight DJ)
  • Fernandez (theporsche02.blogspot.com)

random points*

  • arts and humanities research = pananaliksik sa sining ng papapakatao at ng pamanang-bayan na nakabatay sa paradimo (paradigm) ng sariling kalinangan at malayang kalikhaan, at gumagamit ng pamamaraang ayon sa karanasan at kamalayang Pilipino (Prof. Grace Odal-Devora)

  • journalism = a discipline involving the process of gathering, editing and disseminating newsworthy information to a large audience using a medium (Manila Times president Dante 'Klink' Ang II)

  • development work = involves researching, planning, operating and monitoring development programs; development in this sense means innovations in structures and processes (Prof. Erle Frayne-Argonza)


    ______________
    *sent via text message

Wednesday, May 05, 2010

Katribu


Iboto
ang
KATRIBU Partylist

Maghalal tayo ng kinatawan ng mga katutubo sa lehislatura na magsusulong ng kanilang batayang karapatan sa lupaing ninuno (ancestral domain) at sariling pagpapasya (self-determination).

Ang mga katutubo ay biktima ng iba't ibang porma ng paglabag sa karapatang pantao tulad ng militarisasyon, dislokasyon, at pagtatangi (discrimination).

Ang kanilang kultura ay pamanang-bayan (national heritage) na batayan ng ating pagkakakilanlan (identity) at kapupulutan din ng maraming kaalaman na may malaking pakinabang sa kasalukuyan (indigenous knowledge systems).

Kailangang tiyakin ang kanilang representasyon sa Kongreso.
Mahalagang bahagi ito ng kanilang pagsasakapangyarihan (empowerment) bilang sektor.




DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...