Saturday, March 30, 2013

Bleak future


Question from a concerned Filipino citizen:
What is the future of this nation?

Answer:
Just refer to the general profile of the political aspirants for this upcoming polls.

Random points

- Google "eating fruits before meal" or "eating fruits in an empty stomach".

- Thought balloon of a student - "Given the limited time left before the grade submission, will my teacher really care about  going through our papers diligently and grading them fairly.
Thought balloon of another student - "Depende sa teacher."
My thought balloon - "Tama!"

- Speaking of thought balloons, I wonder  if this season of repentance and reflection made some people rethink about their culpability in the KT tragedy.

Random points

- We had burong (fermented) ampalaya and burong mangga for the Holy Week.  We miss our Korean tutees/friends and their regular supply of kimchi and ramyun.
- Unmindful of the blistering heat, I still went on with the photo documentation of the daily affairs in Cartimar, Quiapo Church and its environs,  and the Piyestang Pilipino at the Rizal Park.  In this regard, I must continue reading about visual ethnography to improve this learning technique which I can also adopt as a teaching strategy.
- A consummate politician is indeed a tarpaulitician.
- I am voting for Katribu (# 32) as my party list. It has been consistent in fighting for 4 Ks - katutubo, kalikasan kabuhayan, at karapatan.

Thursday, March 28, 2013

Development Studies Program roster of faculty

- Prof Roland Simbulan (Master in Public Administration major in Development Administration, New York University)
- Prof Chester Antonio Arcilla (Doctor of Philosophy in Sociology, UP Diliman - ongoing)
- Prof Allan Joseph Mesina (Master in Environmental Management and Development, Australian National University)
- Prof Ruth Shane Legaspi (Master in Business Administration, DLSU - ongoing)
- Dr Edberto Villegas (Doctor in Public Administration, UP Diliman)
- Dr. Leothiny Clavel (Doctor of Philosophy in Philippine Studies major in Philippine Bureaucracy, UP Diliman)
- Prof Silverio Sevilla (Master in Economics units, UP Diliman)
- Atty Karol Sarah Baguilat (Bachelor of Laws, University of Sto. Tomas)
- Atty Zorayda Mia Wacnang (Juris Doctor, Ateneo De Manila University)
- Prof John Ponsaran (Master in Public Management major in local government and regional administration, UP Open University)

Wednesday, March 27, 2013

Random points

- Thank you, freshies, for the framed photo.  It is now prominently displayed in our home.  Continue being part of the collective movement towards change and development.
- Sophies, please coordinate with Mr. Eman Del Rosario if your batch wants a copy of the full documentation of your Kontra-Gahum political cosplay.  Thanks, Eman.
- Commendation to Mr. Luigi Pilarta for layouting the Daluyong dagli collection (DS 112), Dagli at Dialektika compilation (DS 123) and Mr. Isaac Doctor's eco-book project.  Credit also goes to Ms. Buenaventura and Ms. Pinlac for consolidating the articles.
- Sophies, thank you for the greeting ala iglap-walkout.  Mr. Naco opined that it would have been more dramatic if Ms. De Jesus served as the mass leader. :)
- Juniors, learn from the dialectics of your university education and community immersion this summer.  Let this experience contribute to your personal development and the community's wellbeing.
- Seniors, job well done in completing your thesis.  Continue contributing to the collective task of developing ourselves, institutions and communities.
- The Development Studies Best Thesis Award goes to __________.  Booooooooooooom!

Bakasyon na...


Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Tuesday, March 26, 2013

DS 112 final exam


Dagdag na puntos para sa top 3.
Bawas sa puntos para sa bottom 3.

Saturday, March 23, 2013

NSTP teambuilding grouping

Red team - Charm and Hannah Antonio, Asaad, Asuncion, Bruel, Calpatura
White team - Buan, Carillo, Castillo, Cordero, Dayandante
Green team - Deanon, Dela Cruz, Gutierrez, Julao, Lomibao
Black team - Lopez, Mendoza, Montoya, Mungcal, Nacpil
Blue team - Novilla, Olives, Rosales, Shara Santiago, Jorell Santiago
Yellow team - Seneres, Tan, Tolentino, Ventura, Villarda

Wear a shirt that corresponds to your team's color.  Arrive on time.  Winning team gets .25 incentive in the final grade.

Friday, March 22, 2013

Tuesday agenda

- NSTP - teambuilding, class card distribution
- DS 100A - final exam, class card distribution
- DS 100B - final exam, class card distribution
- DS 123 - class card distribution (1 pm at the DSS office)

Sa mga alumni ng DS na naging mag-aaral ko...


Palaganapin ang panawagang dapat may managot sa trahedyang sinapit ni Kristel Tejada.
Kontrahin ang mga baluktot at burgis na interpretasyon ukol sa kanyang pagpapatiwakal.
Alinsunod sa prinsipyo ng intergenerational justice para sa mga susunod pang Iskolar ng Bayan, patuloy na gampanan ang inyong papel na magmulat at kumilos.

Random points

- Ayon sa mga mag-aaral, uso raw ngayon ang (re)press(ed) conference.  Bakit kaya?
- Kris(is) sa media - pagpapalaganap ng kalabnawan, kasabawan at kababawan
- Isa pang nauusong termino ngayon - C(h)ancellor
- Spell pusong bato.  Clue: 3 syllables
- Para lang mairaos ang klase noong Huwebes, may mga propesor na naglunsad nito sa Oble garden, DSS pantry at iba pang espasyo.  Pagpupugay sa inyong apat.

Reminders

- Place your class cards on my DSS cubicle on Monday.  Class card distribution is scheduled on Tuesday.
- Make your summer vacation/summer class productive and worthwhile.
- Avoid committing the same mistakes in your subsequent semesters.  Genuine education is progressive/developmental.
- Enlighten your sphere of influence (relatives, friends, etc.) about the Tejada case to counter bourgeois misconceptions.
- Influence them also to become enlightened voters.

Doc Abe



Salamat po sa inyong mga akda, pagpapaunlak sa mga panayam, 
pagtuturo sa mga mag-aaral ng araling pangkaunlaran at 
pagiging isa sa mga haligi ng agham panlipunan sa pamantasang ng bayan.

Amin po itong pahahalagahan at pagyayamanin...

Thursday, March 21, 2013

Optional

Write a reflection paper about your learning experience in our subject and a self-assessment about your overall performance in class. E-mail it to jnponsaran@yahoo.com on or before Sunday (March 24).  Kindy inform the rest.

Monday, March 18, 2013

Tuesday agenda

- NSTP - entrepreneurship primer submission
- DS 100A - individual speech
- DS 100B - long test about current events

CROCODILE TEARS...

Friday, March 15, 2013

Ngitngit

- Tama ang sinabi ng isang dalubguro sa DAC.  Maraming beses na "pinaganda" ang Oble garden pero ang kalunos-lunos na kalagayan ng canteen ng isang kolehiyo sa health science campus ay napapabayaan matagal na.  Binabalewala ang food safety.  Misplaced priority...

- Sa isang institusyon tulad ng akademya na napakahalaga ng tinig/boses sa proseso ng komunikasyon, tinitiyak dapat ng pamunuan nito na maayos ang pasilidad tulad ng gumaganang sound system sa Little Theater at matinong air con unit na hindi kumukompitensya sa boses ng guro.

- Magastos magtanghal sa LT.  Kailangan magdala ng sariling sound system, lighting, pamaypay, at mahabang pasensya.

- Ilibing ang FLOA.  Ilibing ang naaagnas na sistema!

Random points

- Kailangang magkaroon ng alternatibong politika sa Maynila. Lalong napagtibay ang pananaw kong ito noong Miyerkules ng hapon.
- Dati kapag nakakakita ako ng perya, ang naiisip ko agad ay ang tumaya sa kulay-kulay (color game).  Ngayon kapag nakakakita ako nito, ang naiisip ko na ay kung magkano kaya ang "lagay" nila sa pamunuan.
- Magiging malupit ang hatol ng kasaysayan sa mga sisikil sa karapatan ng mamamayan sa edukasyon.  Putulan ng kamay ang maghuhugas-kamay.
- Foced migration, forced disappearances, Foced leave of absence - mga katangian ng isang hindi demokratikong lipunan.

Wednesday, March 13, 2013

Anunsyo

- DS100 A&B - Pumili ng dalawang kamag-aral sa kabilang seksyon na pagtatalakayan ng inyong flip chart.  Tiyakin din na makapagbigay sila sa akin ng feedback sa pamamagitan ng text.
- NSTP - Tiyaking maipasa bukas ang mga rekisito sa klase.  Samantala, sa Martes pa ang pasahan ng entrepreneurship brochure.
- DS 112 - Tiyaking mai-email ninyo kay Bb. Buenaventura ang inyong pinakahuling exhibit write up  at ang mga dagling may 3 puntos pataas para matipon.  Si Mr. Pilarta ang nakatokang mag-layout. Kasama sa pagsusulit sa susunod na sesyon ang industrialization and deindustrialization exhibit write up.
- DS 123 - Ipadala kay Bb. Pinlac  ang mga dagling may 3 puntos pataas para matipon.

Basahin din ang mga nakaraang post sa blog na ito para sa iba pang anunsyo.

DS 112 assignments

- international political economy facts and figures (blue book)
- continuation of the Todaro glossary test (same test type as the previous)
- infographic about community development/community organizing  (Filipino, 3 members per group)
- tabular matrix comparing and contrasting two controversial ideas/organizations/personalities/events related to Third World studies (individual output, topics are subject to my approval)

?

 Bakit putikan ang LT?

Tuesday, March 12, 2013

Friday agenda

- NSTP - socio-civic deliverables and panel discussion AVP submission
- DS100A - instructional  video submission, individual speech
- DS100B - panel discussion AVP submission, continuation of the discussion about the environmental impacts of various economic sectors
- DS 123 -  contemplative essay submission, lecture and discussion about the political economy of  medical tourism, sociological cartoon about the 4 modes of global trade in health services (grade booster)

Monday, March 11, 2013

Project

Compile 10 column artiles of the assigned author and, based on them, write a 5 page INTEGRATED reaction paper.  Be able to establish the link/connection of key ideas and avoid treating the articles separately. Choose articles that are related and pick the author's most recent publications. Note: Submission date is on March 15.  Printing should be  single spacing only (size: 10 points) for both the compilation and reaction paper. Husayan po.

Acosta -  Peter Wallace
Asprec - Cielito Habito
Guzman - Solita Collas Monsod
Penaranda - Boo Chanco
Pinoy - Walden Bello
Ricaforte - Danilo Arao
Serrano - Remigio Saladera
De Jesus -  Rolando Tolentino
Dela Cruz - Randy David
Demition - Conrado De Quiros
Francisco - John Nery
Naco - Alex Magno
Abrenica - Martin Khor
Babat - Alejandro Lichauco
Balingit - Carol Araullo
Yu - Leonor Magtolis Briones
Yap - Joaquin Bernas
Rumbaoa - Artemio Panganiban
K. Reyes - Ramon Casiple
Gavino - Teo Marasigan
Alejo - Michael Tan
Manalo - Bjorn Lomborg
Lanuza - Gerry Lanuza
Alfonzo - Peter Singer



Class cards

Please collect the class cards of your classmates.  Thank you.
- NSTP (Ms. Lopez)
- DS 100A (Ms. Magsino)
- DS 100B (Ms. Carpon)
- DS 112 (Ms. Dabalos)
- DS 123 (Ms. Pormento)

Sociological cartoon samples


Google Images: Jess Abrera Pinoy Nga

Saturday, March 09, 2013

Dagundong ng nagngangalit na takong


Gabi nang umuwi si Ditas. Napasandig sa balikat ng katabi sa gitna ng nakakainis, nakakainip at malagkit na byahe. Naidlip, humagok, "nangarap" ng "langit sa lupa" at muntik pang lumampas. Mabuti na lang ay nagising sa pamilyar na bulahaw sa kanilang kanto. Mabilis humakbang pababa ng sasakyan kahit wala namang humahabol. Listo dahil mayroon siyang kailangang habulin - ang natitirang lakas at ulirat.
 Bumaybay sa baku-bako at liku-likong daan tungo sa dampang tahanan. Pagkalapag ng kupas at tastasing bag ay agad na inasikaso ang mga nabinbing gawaing bahay. Napuyat, nakunsume, at napagod ang katawan at diwa, kapagdaka'y plakda.
 Maagang gumising. Nakipag-unahan makasakay. Muntik pang mahagip ng rumaragasang motor. Sumagi sa isip niya na sana'y nakiangkas na lang siya dahil baka pareho rin naman sila ruta ni manong.
Pumasok sa trabaho..hanap-buhay raw pero sa liit ng sahod tila hanap-patay. Sa hiwalay na lagusan sila pumapasok araw-araw. Sa kanilang trabaho'y bawal ang maliit, bawal ang mataba, dapat ay maganda/gwapo't maamo ang mukha...lookismo, heightismo - mga ismong iniire ng neoliberalismo. Pinagpostura ng mabilis. Siyang kapal at tingkad ng kolerete sa mukha ay siyang nipis naman ng pitaka at lamlam ng kinabukasan.
Nag-ayos at nagsalansan ng kalakal...kalakal na para sa kanya mismo ay hindi abot-kaya dahil abot-Jupiter din  ang presyo. Maghapong nakatayo at nagsasalita, nagngangalit ang varicose veins, nagagasgas ang lalamunan. Bawal sumandal, bawal umupo, sa ibang kompanya pa nga'y bawal ang pagsakay sa escalator.
Kamakalawa ay tinalakan ng kostomer at bisor nang halinhinan...tagusan-tagusan sa tenga, sa buto at sa puso...(daing niya'y sakit much...) Sa kabila ng lahat, kailangang nakaplasta pa rin ang ngiti at nakatono ng tila plakado ang mapang-engganyang boses...komodipikasyon ng emosyon...
Tanghalian niya'y sa karindiryang masikip at mainit, dalawang kanto mula sa pinagtatrabahuhan..
Order ay kalahating ulam na dinaan sa alat, dalawang tasang kanin, at dalawang round ng libreng sabaw na kapwa rin naghihimagsik sa asin. Merienda'y samalamig at puding na may magic sugar...masarap sa panlasa, pero traydor sa bituka. Kung talagang gipit ay hinihingi na lang ang gamit nang supot ng tsaa ng katrabaho sabay todo-sawsaw sa kanyang isang tasang mainit na tubig para kumatas ang natitirang lasa at kulay - anong tabang, anong putla..
Kapag dagsa ang tao ang kalaba'y pagkapagod.
Kapag matumal nama'y pagkabagot.  Sabay taltal ng store manager na dapat makabawi sa susunod na buwan.
Binabarat ang sweldo, binabarat din pati bilang ng pagbabanyo.  
Katwiran ng pamunua'y kabawasan sa pagiging produktibo.
Pagpiga ito sa lakas-paggawa sa kahuli-hulihang katas ng sentino.
Pasahod ay matagal at pinaghirapang kitain.
Pero tila dumaan lang sa palad sa dami ng bayarin.
Alam ni Ditas na bilang na ang araw niya.
Alam din niya na bilang na rin ang araw ng nagnanaknak na sistema.


Required reading for NSTP, DS 100 and DS 112

-Justice for Martial Law Victims
-Coalition Politics
-Sabah Issue

Posted at www.cenpeg.org

Friday, March 08, 2013

Opsyonal

NSTP, DS 100, DS 123 at DS 112
Bumisita sa Solidaridad bookshop sa Faura.  Magmasid at batay sa inyong pagsusuri ay magmungkahi ng isang libro na dapat taglayin ng ating silid-aklatan.  Ilahad   ang pamagat ng aklat, pangalan at kwalipikasyon ng may akda, katuturan ng nilalaman ng aklat at pagbibigay-katwiran kung bakit ito dapat maging bahagi ng koleksyon ng silid-aklatan ng kolehiyo.  Isulat sa 1/2 crosswise at ipasa sa Martes o Miyerkules.  Panatilihin ang katahimikan sa lugar.  Ipaalam po sa iba pakiusap.

Tuesday agenda

- NSTP - panel discussion AVP submission (duck raising, goat raising, seed activism, herbal medicine garden, urban vegetable garden, agricultural tourism, crop rotation and diversity, subsistence fishing, biocontrol, dairy production), sociocivic deliverables

- DS100 A - politics of the environment infographic submission thru e-mail, speech about the assigned infographic topic (discussant to be announced on that day)
Topics: energy sovereignty, debt for nature swap, environmental determinism, ecological Marxism, Islamic ecology, resource curse, climate change financing, peak oil crisis, etc.

- DS100 B - politics of the environment infographic submission thru e-mail, speech about the assigned infographic topic (discussant to be announced on that day)
Topic: environmental impact of various economic activities

Wednesday, March 06, 2013

Chopsuey...

Chopsuey ulam
Chopsuey show (variety show)
Chopsuey activism (Boooooom!)
Chopsuey culture (cultural mosaic vs. melting pot)
Chopsuey senatorial slate ("politics makes strange bedfellows")

DS 100B booth topics

- Barefoot doctors
- Vandana Shiva
- Macliing Dulag
- Che Guevara
- Liberation theology
- Sustainable tourism

BONUS



Spell toxic.
Clue: 5 characters
-Pagpupugay sa mga alumni na kumukuha at kukuha ng MA in International Studies.  Sana ay makapagpanel discussion kayo minsan sa mga klase ko sa DS 100 o DS 112 sa hinaharap.

-Sa mga alumni na nagtuloy sa medisina, sana makadalo kayo sa isang talakayan ukol sa karanasan ninyo sa community medicine at ang kaugnayan into sa Araling Pangkaunlaran.

-Salamat sa mga alumni na hindi nakakalimot na bumisita sa DSS para magbahagi ng kanilang mga bagong kwento, kaalaman at karanasan.

DS 112 agenda TOXIC

-Exam covering M. Todaro's Economic Development glossary (blue book)
-Exhibit about industrialization and deindustrialization
-Brochure about TNCs and GOCCs (profile and controversies)
-Sociological cartoon based on a CTUHR article
-Bookmark featuring labor statistics (from ILS, EILER, KMU, bulatlat.com) and a quote from Ka Bel
-Dagli or contemplative essay about classified ads (job search section)

SDT

 SDT

Tuesday, March 05, 2013

Agenda

-NSTP - socio civic deliverables, focus group discussion about the sociology of family
-DS 100A - OTOP (One Town One Product) ACLE
-DS 100B - social change and development ACLE (booths)
-DS 123 - teambuilding (theme: Lifespan Development)

Sunday, March 03, 2013

Random points

- Buzz words tuwing eleksyon ang "development", "sustainability", "good governance" at iba pa.  Pero ang tanong ng mga kritikal na nagsusuri ay development, sustainability at good governance para kanino?

- Ang tunay na Team Patay ay ang mga nagsusulong ng LaPiDa  (liberalization, privatization at deregulation)!

- Mag-ingat sa mga oportunistang Hepatitis party list na malapit sa Palasyo. Nakamamatay!

Pwersahan...


Forced disappearances, forced migration, forced leave of absence vs. poor but deserving students...the list goes on in an undemocratic society...

Saturday, March 02, 2013

DS 112 agenda (starts @ 8:30 am)

- long test (IBON Bird talk 2012, Habito materials, Migration studies consolidated write up, Michael Todaro's Economic Development glossary)
- optional concept map based on a Monthly Review article (no duplication of article)
- editorial cartoon about independent Philippine foreign policy based on any yonip.com article
- sociological cartoon about Balikatan exercises

Tanong sa sarili...

Tanong:  Sa kabila ng lahat, bakit pinili mo ito at ginustong manatili?

Sagot:  Mga mag-aaral na puno ng potensyal na makapag-ambag sa panlipunang pagbabago saan mang larangan sila ipunla at yumabong...

Mga tagubilin sa pagbuo ng panel discussion AVP

-Pumili ng tahimik, maayos at  malinis na lugar na pagdadausan.
-Magsaliksik mabuti para hindi sabaw ang talakayan.
-Gawing matatas ang pagbigkas at mag-ensayo mabuti.
-Gawing pormal at seryoso ang paraan ng pagtalakay.
-Tiyaking tama ang pagbaybay (spelling) at kapitalisasyon ng subtitle at text float.
-Tiyaking malinaw at sapat ang laki ng text sa subtitle at text float.
-Dapat ay katamtaman lamang ang bilis ng transisyon ng tala ng batis
at ng mga pasasalamatan sa dulo.
-Ipaliwanag ng mabuti ang kaisipan at huwag magpaligoy-ligoy.
-Tumutok sa paksa at magbigay ng angkop na mga halimbawa.
-Huwag maging tuod. Maging produktibong bahagi ng panel.
-Iwasang magkamali sa paggamit punctuation marks sa subtitle at text float.
-Huwag kabahan o sikaping huwag ito ipahalata.
-Magsuot ng pormal at umasta ng seryoso.
-Planuhin ang layout ng panel para hindi magkaharangan.
-Gamitin ng tama ang boses.
-Aralin mabuti ang paksa.
-Magsaliksik mabuti para makapagbahagi ng mga bagong kaalaman.
-Bumuo ng balangkas para maging maayos at lohikal ang daloy ng talakayan.
-Iwasan ang labis na pagsandig sa kodigo.
-Tiyaking tama ang paglalahad ng mga konsepto at kaisipan.
-Gumamit ng teoryang panlipunan na gagabay sa talakayan.
-Magbigay ng mga espisipikong halimbawa upang mas maging malinaw ang pagsasalarawan.
-Maging kritikal sa diskurso.
-Tiyaking tama ang mga konseptong ginagamit.
-Itala ang titulo at may akda ng mga libro at artikulong sinanggunian ng pananaliksik.
-Lagyan ng angkop na filename ang nabuong AVP.

NSTP 2 project

- Community safety booklet (Asaad, Santiago, Lopez)
- Tulong Kababaihan donation drive (Mendoza, H. Antonio, Rosales)
- Letter to the editor about credible elections (C. Antonio, Buan, Mungcal)
- Social change advocacy AVP (Ventura, Novilla)
- Body politics exhibit (Dayandante, Dela Cruz, Montoya)
- Kwentong buhay ni Tatay Benjie na sapatero (Deanon, Tan, Bruel)
- Children's literature (Cordero, Seneres, Nacpil)
- Crime 101 AVP (Gutierrez, Julao, Carillo)
- Corporatization of education AVP (Castillo, Lomibao, Santiago)
- Cultural presentation at the pediatric cancer ward (Olives, Tolentino, Villarda)
- Youth agenda matrix of the 2013 senatoriables (Asuncion)

Friday, March 01, 2013

Agenda

- NSTP - political economy of poverty exhibit, socio-civic deliverables

- DS 100A - flip chart submission, senatoriable output submission, speech (no codigo)
Social democracy - Ricaforte
Christian democracy - Penaranda
National democracy - Asprec
Popular democracy - Guzman
Islamic democracy - Avenido
Democratic centralism - Ramos

- DS 100B - speech (no codigo)
Development Anthropology - Demition
Sociology of Development - Francisco
Critical Development Studies - Serrano
International Development Studies - Naco
Comparative Development Studies - Acosta
Development Studies Program in Europe - Pinoy

HUSAYAN MABUTI.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...