Monday, January 03, 2005

ika-X linggo


Ika-X na linggo
by diwang_palaboy

Kada sasapit ang ika-X na linggo…
Kami’y aba.
Abang-aba. (Walang eksaherasyon!)
Tuwina’y nasa alanganin
Walang kasiguraduhan.
Parang alipato sa hangin.
In limbo kumbaga

Ito yata ang purgatoryo sa lupa.

Puhuna’y laway, oras, emosyon, pisikal na lakas, katatagan at sanlaksang brain cells.
Pambulag at pam-pacify ay mataas na per hour rate…
Kaaya-aya sa una.
Sugar-coating kumbaga.
Opium.
Maging mga taga-ibang ibayo’y humahangos just to join the bandwagon
Simply put, material na kundisyon. Period. Period. Period.


Minsa’y gahibla na lang ang nag-de-define ng existence mo.
Pero sa ngalan ng pinagsama-samang dedikasyon, matinding pangangailangan at institutional affiliation pikit-mata mo itong tatanggapin.
Kalunos-lunos…


Pero paalala ng iba ay huwag pabibitag.
Mga patutsadang pabiro’t palihim pero may katotohanan.
MARAMI-RAMI NA RIN ANG NABIKTIMA
Tulad ng bangkang papel ni GMA (Read: Gahamang Maupo Agad)
at ng kanyang suntok sa buwang 10 point socio-economic program…
Maaaring ito’y nakalista lamang sa tubig.

Joke time lang pala.
Putang ina!

demoralization…
contractualization…
alienation…
Mcdonaldized existence!

Minsan ako’y napapatanong.
Deeply-entrenched subculture na ba ito?
Isang autonomous na halimaw sa bawat stratum ng pyramid.
May buhay na sarili na ang halimaw.
Self-perpetuating na siya.
.

Irony of all ironies…
Dakila subalit gipit
Mapagpalaya subalit nakatanikala.
Dalubgurong emasculated.

Fluid.
Napaka-fluid
Ang umasa ng ciento por ciento ay…
ciento por ciento ring mabibigo. (asar talo!)


Walang kasiguraduhan…
Walang pinag-iba sa mga namamalakaya na sa bawat pagpalaot
ay nasa hukay na ang isang paa.


Sa hypothetical battle field ang itinatambol ay
empowerment, human rights at social justice.
Pero sa real battle field kabaligtaran ang sitwasyon.
Mga intellectual prostitutes nga lang ba?

Napaka-predictable ng pagiging unpredictable!
Very consistent of being inconsistent!
Puro pagpapanggap.


Rationalization…
Bureaucratization…
Reinvention…
Vision-Mission…
Panakip butas…
Panlinlang…
Isang palabas…
Nagsimula’t natapos sa stage 1
Process as the be-all and end-all.
Lahat ng ito sa ngalan ng tubo, kapangyarihan at katanyagan.
Kulto na ito!


Microcosm ng sangkutsado’t masalimuot na relasyon.
Paternalismo.
Puyadalismo.
Relasyong himod-tumbong.

Life’s like that—Culture of defeat
Poison letter— Sour graping
Go with the flow—Passive; Mainstreaming
Live and let live—Pragmatic


Isang kahig isang tuka.
Hopeful (hopefool)
XYZ all at once.
On the guard.
Come what may.
Bitter. Disillusioned. Repulsive.
Backfighter
Di-nakakain-ang-prinsipyo attitude

Taas kamao para kay Mila!
Si Kristo ma’y rebolusyunaryo rin.
Ang dinadambanang mga santo’y ganoon din.
Pero sa praktika’y salat.
Irony of all ironies.


Urban jungle.
ROYAL RUMBLE: Yung tipong every man for himself.
Sa bawat casualty, kanya-kanyang hugas-kamay.
Sanayan lang ‘yan. May tatlong taong mahigit na rin naman.
Salamat sa sakit ng ulo.
Salamat sa pagpapalasap sa amin ng isa sa maraming mukha ng eksploytasyon.
Kada ika-X na linggo libre ang kaba at sama ng loob.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...