Tuesday, September 25, 2007

sangkachapsuyan

  • interesante ang kumakalat na e-mail na may pamagat na "kung pinoy si noah."
  • sexual partialism=pagkahumaling sa partikular na bahagi ng katawan (binti, cleavage, leeg)
  • mahina pa rin ang pilipinisasyon at pagsasakatutubo (indigenization) ng agham panlipunan sa bansa, lalo sa ibang pamantasan
  • kinukondisyon na ng mga malls at media ang mga konsumer na papalapit na ang disyembre sa pamamagitan ng pagpapatugtog ng mga awiting pampasko (frequency, intensity & consistency).
  • 3 yugto sa pagsisinungaling: (1) totoong si sta. claus ang nagbibigay ng regalo sa mga bata, (2) paglaya mula sa kasinungalingang ito, (3) pagpapaniwala sa mga magiging anak na dapat itong paniwalaan
  • sa altar ng karapatang pantao, walang atheist o agnostic (wika ng punong mahistradong si puno)
  • mas interesante pa rin para sa akin si miriam kaysa imelda
  • powder blue (paboritong kulay n'ya?), powder gun (utak-pulbura), hindi matinag sa puder (kapit-tuko, Ate Glue): Gng. Gloria Macapacal-Arroyo
  • halos 50,000 na ang abugado sa bansa (taas-kamao para sa isang abogadong kakilala ko na sadyang ipinatalo ang kaso ng kanyang negosyanteng kliyente na lumabag sa karapatang pantao ng kanyang pobreng manggagawa)

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...