Wednesday, May 07, 2008

random thoughts

  • Hindi totoong liberal at progresibo ang UP.
    Mas marami pa rin ang mga may konserbatibong
    kaisipan at disposisyon sa pamantasang ito.
    (ang pamunuan, mga dalubguro, mag-aaral at kawani)
    Sana mali ako.
  • Batay sa mga kumunsulta sa akin sa mga
    nakaraang linggo, tila sa national
    government
    (NG) papasok ang malaking
    bahagdan ng DevStud centennial graduate.
  • Iminumungkahi kong basahin din n'yo ang mga
    nilalaman ng http://jpaulmanzanilla.blogspot.com/.
  • Isa dapat sa mga layunin ng Econ 102 (Microeconomics)
    ay ang gawing matalinong mamimili ang mga mag-aaral nito.
  • Dalawa ang katauhan ng isang karaniwang mag-aaral ng UP.
    Hindi siya nakikilahok sa mga kilos-protesta sa
    UP o lansangan pero kapag kasama na niya
    ang mga kaibigan mula sa ibang pamantasan
    aakalain mong siya ang pinaka-progresibo
    o aktibista sa pangkat.
    Kung gayon, isa kang press release.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...