Tuesday, February 09, 2010

random thoughts

  • Mahusay at epektibo ang community safety audit na isinagawa ni Prop. Castillo at ng kanyang klase sa Agham Pampulitika 11. Makabubuting magkaroon din nito sa CAS mismo.
  • Bibisita ang mga Dumagat sa CAS ngayong Biyernes upang magbahagi ng mga kasalukuyang problema na banta sa kanilang karapatan sa lupaing ninuno (ancestral domain) at saliring pagpapasya (self-determination). Ibibigay natin ang mga binhing gulay na nabili mula sa pondong nalikom mula sa Bookay Bookay book drive sa araw ng kanilang pagbisita. Kasama kong bumili ng binhi sina Mr. Padilla, Ms. Nartea at Mr. Yu noong Martes (Peb 9).
  • Ang pamamahagi ko ng binhi ng saluyot ay bahagi ng aking kampanyang palaganapin ang tamang nutrisyon, pagtatanim sa bakuran, pagbabawas ng pagkaing isinaproseso at artipisyal.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...