Monday, October 29, 2007

random points

  • Ayon kay Fr. Joaquin Bernas, SJ, tatlong isyu ang dapat mabigyang linaw ukol sa iginawad na pardon ni Gloria kay Erap: Una ay ang motibasyon sa likod nito. Ikalawa ay ang maaari nitong maging epekto sa bansa. At ikatlo ay ang legalidad.
  • 1998 ang unang halalang naging kabahagi ako bilang botante at 3rd member ng Board of Election Inspectors (BEI). 2004 naman ang pinakahuling partisipasyon ko sa halalan bilang botante. Bahala na sa 2010. Pero tinitiyak ko pa rin ang pagiging aktibo ko sa voters' education.

Thursday, October 25, 2007

nilagang saging na saba tuwing acle (rationale)

  • represents indigenous culture
  • promotes ecosophy and healthy living
  • is a form of counter-culture (a protest against ultraconsumerism and western cultural hegemony)
  • reminds us that there are economies (traditional) which are not "held hostage" by state and market forces

ISMs

  • "Reform capitalism, yes. Replace it, no."-Paul Starr
  • "Socialism promotes equality. It equalizes poverty."-History II Professor
  • "Capitalism possesses elements of Social Darwinism."-DS Professor

Wednesday, October 24, 2007

pekeng pagmamalasakit
pekeng ngiti
pekeng demokrasya
pekeng boto
pekeng pangulo
"had there been a competent and charismatic alternative,
gloria may have well been ousted long before."
-ayon sa isang banyagang lampas 30 taon nang naninirahan sa Pilipinas

Tuesday, October 23, 2007

mag-ingat

mag-ingat sa pagtawid (nakamamatay).
mag-ingat sa lahat ng pulitiko.
mag-ingat sa mga nakahahawang sakit.
mag-ingat sa pakikipagtalik.
mag-ingat sa mga makikitid ang utak.
mag-ingat sa mga ahente ng militar na umaaligid.
mag-ingat sa mga masyadong mabait.
mag-ingat sa mga magnanakaw ng halik.
mag-ingat sa mga hidden cameras (iwas scandal).
mag-ingat (lalo) sa mga inaakala mong ligtas.

Kikay (o Coffee-Table Book) Ethnography

Ang pag-aaral natin sa mga katutubo ay hindi lamang dapat nagsisimula at natatapos sa pag-alam ng kanilang pisikal na kaanyuan, kabahayan, kasuotan, kagamitan, pagkain at iba pa. Higit na mahalaga ang pagsisiyasat ng mga panlipunang isyu at suliraning kinahaharap nila at kung paano tayo makakaambag upang tumugon sa mga ito. Hindi sila artipakto!

Apologists

Magiging mapait ang hatol ng kasaysayan kay Gloria.
Huwag sanang magpagamit ang mga historyador
upang baluktutin ang katotohan.
Huwag sana silang maging intellectual prostitutes.
Kung magkagayon ay magiging mapait din
ang hatol sa kanila ng kasaysayan.
Maging mapagbantay tayong lahat laban
kay Gloria at sa mga lumpen academics.

Si Ange(LITO) PasangKrus

bakit may mga kabataang aktibista?
sagot: maraming dahilan
pero isa sa mga ito ay dahil ayaw nila magmana ng lipunang bulok.
gusto nilang maging ahente ng pagbabago.
pero paano kung ang personal nilang buhay ay repleksyon
mismo ng sistema at kulturang kanilang nilalabanan.
halimbawa:
konserbatibong pamilya, buhay pag-ibig na pyudal,
lunod sa kulturang pop at prayer meetings
bahagi ito ng kanilang pakikibaka.
isang personal na kontradiksyon, kumbaga.
ang mahalaga ay patuloy nila itong sinisikap na pangimbabawan.

rcvd txt msgs (edited)

  • nagchchck po ba ng projcts at paprs si ...? (answer: i won't confirm nor deny)
  • sa'n po pnk-ok magwork: house of rep, dbm o dswd? (answer: house of rep)
  • may gth pa rin po ba nxt sem? (answer: maaaring wala)

Philippine Revolution Web Central

Anti-establishment reading materials posted at:

Mga Tagpo sa Kutang Bato

Unang Tagpo
Nakiusap ang isang miyembro ng student org sa isang propesor na padaluhin ang kanyang mga mag-aaral sa isang programang kanilang inorganisa. Hindi pumayag ang propesor dahil mahal na raw ang matrikula ng mga freshies kaya mas minabuti niyang ituloy ang klase.
Ikalawang Tagpo
May isang propesor mula sa Asian Social Institute na bumisita sa Kutang Bato para katagpuin ang kanyang kaibigan. Nakita niya ang babalang NO STUDENTS ALLOWED sa silid. Nagkomento ang propesor na hindi pala siya maaaring pumasok dahil itinuturing niya ang kanyang sarili bilang "student of life".

Monday, October 22, 2007

word of caution

"The soundest of political rules is always to mistrust
the political perceptions of the comfortable."
-Economist John Kenneth Galbraith

A Call to Action

Students: A Challenge to You (taken from youtube.com)

random points

  • masarap ang ginataang chicken-pork adobo sa adobo republic. kakaiba pero ayos! wala lang.
  • para lang may maihatid na bago ay kung anu-anong twists ang ginagawa sa pinoy big brother ng mga taong nasa likod ng programang ito (creative destruction?)
  • nagngingitngit ang isang manong dahil ang pobreng magnanakaw ng manok ay bugbog sarado sa taong-bayan bago pa siya makarating sa prisinto pero ang magnanakaw sa kaban ng bayan ay nanatiling nasa poder at maaliwalas ang kalagayan.
  • iminungkahi ng isang banyaga na bilang symbolic protest laban sa conjugal dictatorship, dapat lisanin ng mga tao ang silid na pinupuntahan ni imelda marcos. kaso sa mga nasaksihan ko ay kinagigiliwan pa siya ng mga tao na parang mascot.
  • hindi nakapagtatakang masundan ang terror attack sa glorietta 2.
  • ang press release ni gloria noong 2003 ay dadalhin niya raw ang laban sa droga sa bawat barangay. walang nangyari. kung meron man, lalo lang lumala.

Possibilities

  • Infighting among GMA's bloc will worsen (to the opposition's advantage).
  • Withdrawal of support from a key ally will create a domino effect.
  • People's struggle will prevail over GMA and everything that characterize elite politics.
  • US will abandon GMA and look for a popular replacement.
  • GMA will self-destruct.
  • OR GMA self-perpetuates (via Cha-Cha or more drastic means).

Myth of Invinsibility

George: Hindi ako madadali ng STD! Maingat ako sa mga ganyang bagay!
Pura: Malamang na wala ako sa lugar kung saan may terror attack.
Sugar: Imposibleng mabuntis ako. Ako pa! :-)
Diego: Alerto at astig 'to. 'Di ako mananakawan!
Chona: Cancer? 'Yung ibang tao pa siguro pero 'di ako.
Jude: Maingat naman kami kaya hinding-hindi kami masusunugan.

Consumer Desirables in China (mid-70s to 1993)

transistor radio, bicycle, sewing machine
TV, refrigerator, washing machines
video, CD player, aircon
telephone, private-owned apartment, car
Source: Gender & Power in Affluent China (Sen & Stivens, 1996)

It's a gendered space.

  • mainstream = malestream
  • history vs. herstory
  • womyn, wimmin (instead of woman)
  • glass ceiling (cases where the promotion of a person in an organization is limited due to his/her gender or ethnicity)
  • glass elevator/escalator (rapid promotion of men over women even in female-dominated arenas)

Saturday, October 20, 2007

Peter Pan Economics

"Private foreign investment brings out the true market value
of the natural resources, thereby emphasizing the economic
importance of conserving and developing the natural resources."
-Hla Myint

Development

When analyzing any development issue or pursuing any development agenda, one should take into full account both economic and non-economic variables (politics, social & cultural) internal and external to the area study.

Friday, October 19, 2007

Concern?

Walang malasakit ang karamihan sa mga taga-lungsod para sa kalikasan. Bunga ito ng kanilang kawalan ng direktang ugnayan sa kalikasan (physical and psychic). Tuluyan nang naging digitized, mcdonaldized at commercialized ang kanilang buhay at ikinabubuhay. Pero ayon sa inilabas na McCann International Study kamakailan, ang pangunahing alalahanin (concern) ng mga Pilipinong taga-lungsod (sa pagitan ng edad 12-60) ay ang laganap na polusyon sa hangin at tubig. Palagay ko naging alalahanin lamang ito sa kanila nang tuwiran na nilang nararamdaman ang masamang epekto ng polusyon sa kanilang buhay at kabuhayan (at hindi dahil sa mas dakilang layunin). Sana mali ako.

Thursday, October 18, 2007

On Che Guevara

Why Che Guevara's legacy endures by Prof. Roland Simbulan
Philippine Daily Inquirer, Opinion-Commentary, A13

bayang hirang

  • pambansang palaro: lotto
  • pambansang pampalipas-oras: texting & malling
  • pambansang negosyo: buy & sell
  • pambansang kamao: pacquiao
  • pambansang adhikain: mangibambayan
  • pambansang mascot: willie revillame
  • pambansang "opium": pop culture
  • pambansang paaralan: "university of recto"
  • pambansang kapistahan: eleksyon
  • pambansang kahihiyan: gloria arroyo

Common Site

The following are the concerns of some CAS faculty members regarding
the new policy designating San Juan, Batangas as the common site
for the community-based practicum of all degree programs
in the University of the Philippines-Manila:

  • too LGU-UPM centric (very minimal NGO/PO participation)
  • too concentrated in a single area (to the detriment of other marginalized communities in other parts of the country and other sectors like the indigenous people, urban poor, etc.)
  • too homogenous in term of socio-demographic & cultural profile (thereby reducing the student's diversity of experiences)
  • will oversaturate the communities with UPM practicumers (not efficient)
  • violates academic freedom (field-based practicum programs are already in place, e.g. DevStud's rural-based immersion operating for 12 years already)

Crispin Beltran

Para kay Ka Crispin Beltran, ang isyu ay hindi kung kay GMA o JDV
ba dapat kumampi ang mga kinatawan ng Mababang Kapulungan.
Ang dapat aniya ay labanan ang katiwalian at pumanig sa katotohanan.

Students who earned the highest accumulated points

  • Charles Salazar (Econ 101-Macroeconomics)
  • Jeremy de Jesus (SocSci 120-Directed Readings in Social Sciences)
  • Veronica Arreza (DS 123-Filipino Identity & Culture)
  • Joarlyn Morano (DS 127-Environmental Politics)
  • Jotabs Teves (DS 126-Politico-Administrative Institutions & Behavior)

BOTO

Isa sa iilang bagay na pantay ang mahirap at mayaman ay ang boto. Isang boto para sa bawat isa. Kaya bilang respeto sa sarili at demokrasya, hindi dapat ipinagbibili ang boto. (Reaksyon ito sa laganap na bilihan ng boto para sa nalalapit na eleksyon sa barangay)

Tuesday, October 16, 2007

Kriminalidad

Hindi mawawala ang mga kriminal sa lansangan, opisina (publiko o pribado man) at maging sa cyberspace bagkus ay patuloy pang dadami sa hinaharap. Hindi dahil magkakaanak ng isa ring kriminal ang mga magulang na kriminal (biological) kundi dahil patuloy silang iluluwal ng lipunang dekadente, batbat ng tunggalian at makasarili (social).

Alin man sa apat na ito ang maaari nating kahinatnan: (1) maging kriminal tayo, (2) mabiktima tayo ng krimen, (3) pareho nating maranasan ang dalawa, o (4) ang pinakapaborable ay hindi tayo mabiktima ng krimen at maging isang kriminal mismo. Goodluck!

GREEN

  • green growth
  • green party
  • green bag
  • green justice
  • green economics
  • green belt
  • green philosophy
  • green technology
  • green ethics
  • green games
  • green day
  • green tourism
  • green art
  • green meal
  • greenpeace
  • green agriculture
  • green burial
  • etc.

Image War

All battles here or elsewhere will eventually boil down
to the question of who wins the image war?

A criminal, if he has the means, can actually
appear innocent and well-meaning.

A freedom fighter or a whistle blower, on the other hand,
can be depicted by the power wielders
as a social destabilizer or even a terrorist.

Therefore, critical analysis is imperative
in transcending sound bytes and images.

McWorld

  • e-learning
  • rice burger
  • sachet phenomenon
  • close-up toothpaste spa moisture
  • cybersex
  • home office
  • commodification of emotion
  • disposable gf or bf
  • jesus christ sculpture made of milk chocolate
  • capsule hotels in japan
  • digital bible & qur'an

Balakid

Balakid sa pagsulong (growth) ng ekonomya ayon sa NEDA
  • patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdang pamilihan (import-dependent economy)
  • pagbaba ng kabuuang bilang ng iniluluwas na produkto ng bansa (export-oriented economy)
  • pagbaba ng halaga ng mga ipinapadalang pera ng mga OFWs dahil sa pagtatag ng piso laban sa dolyar (dependence on labor-export)

Buhay-Patay

  • mga OFWs na nakipagsapalaran sa ibang bansa pero nasa ataul na nang nagbalikbayan (patuloy pang tataas ang bilang)
  • mga nagbakasakali sa mga bundok ng basura na nilamon ng trashslide
  • mga manggagawa sa pabrika na lantad sa iba't ibang panganib (kulob, mainit na makina, lason, maging sama ng loob, atbp.) na maaaring magresulta ng kanilang pagkakasakit ng malubha at unti-unting pagkamatay kinalaunan

May mga trabaho na buhay ang puhunan (o kapalit)
sa literal nitong kahulugan.

Hanap-Buhay = Hanap-Patay

BUHAY-PATAY

Isang Pagpupugay

Isang pagpupugay para kay
Atty. Karol Sarah P. Baguilat
para sa kanyang marubdob na pagsusulong ng
karapatang pantao sa loob at labas ng pamantasan.
  • Public Attorney II, Legal Research Div., Public Attorney's Office
  • Lecturer, Department of Social Sciences, UP Manila
  • Practicum Adviser, Development Studies Program
  • Member, National Network of Agrarian Reform Advocates

random points about development administration

  • Before it's LEDAC (Legislative-Executive Dev't Advisory Council). Now JEDAC is being proposed (to include the Judiciary) in order to facilitate the coordination of powers among the 3 branches of the gov't.
  • NEDA is proposing to reduce the financial cost of sending remittances to cushion the impact of peso appreciation to OFWs and their families.
  • The repeal of PD 1177 (automatic appropriations law) is a policy imperative.
  • To be effective fiscalizers and change agents, environmental activists should utilize social investigation and class analysis.
  • The payment of onerous and illegitimate foreign debts is a human rights issue because it corners a huge chunk of the national budget that could have financed more basic social services such as health, education, social security and community development.
  • A more poverty-sensitive computation in determining the internal revenue allotment (IRA) is being sought to amend the usual factors, namely population and land area, which don't actually take into account the LGU's level of economic (under)development.
  • The Palace is using the federalism proposal to make Charter change acceptable to Mindanaoans who have been marginalized by the long tradition of centralism in the country.

Sunday, October 14, 2007

Tambling naman d'yan!

Aktibo nang nangangampanya si Mar Roxas (old rich clan, Liberal Party) para sa 2010 prexy bid. Ipinapalagay na kailangan n'yang gawin ito bilang pambalanse dahil maituturing na bentahe ang pagiging senate president ni Manny Villar (nouveau rich, Nacionalista Party) na epektibong lunsaran sa pagkapangulo ng bansa. Para mas maging katanggap-tanggap ang una sa sanlaksang masa ay ipinapakete niya ang sarili bilang masayahing mascot na umiikot sa mga palengke at programang pangmasa sa telebisyon (Deal or No Deal, Goin' Bulilit, atbp.). Ano naman kaya ang nilulutong gimik ni Villar sa hinaharap para tapatan ito?

Wednesday, October 10, 2007

Tuod

sa sobrang daming ginagawa:

  • nakalimutan ng huminga
  • nakalimutan na ang higit na mahalagang bagay
  • 'di na magawang namnamin ang pagtulog
  • 'di na magawang namnamin ang kinakain
  • nawalan na ng panahon sa ilang kababawan
  • naging mekanikal na lang ang maraming bagay
  • naging manhid na ang pandamdam

PD 1177 (Automatic Appropriations Law)

May kaisahan ang ilang taga-Mababang Kapulungan na ipawalang-bisa ang PD 1177 na awtomatikong naglalaan ng pondong pambayad sa utang-panlabas. Ang PD 1177 ay isinabatas noong panahon ni Marcos subalit nanatiling ipinapatupad hanggang ngayon simula nang ipaloob ito sa Administrative Code noong panahon ni Aquino. Sa mahabang panahon ay malaking halaga ng salapi ang inilalaang pambayad-utang na karamihan ay hindi talaga pinakinabangan ng mga mamamayan. Usapin ito ng karapatang pantao sapagkat ang dapat na inilalaan sa batayang serbisyong panlipunan ay nawawaldas lamang sa mga maanumalya, di-produktibong at di-lehitimong pagkakautang. Ang pagpapawalang-bisa ay matagal na dapat isinulong. Wala pa ring kasiguraduhan kung ano ang kahihinatnan nito sa hinaharap.

Freedom Wall

Ano na ang nangyari sa Freedom Wall ng CAS?
Bakit ito inilipat sa parking lot?
May magdikit pa kaya dito ng mga manifesto na ang katapat
lang naman ay isang mahinang buhos ng ulan?
Mabuti sana kung may magbasa pa ng mga manifesto
kung may nakaparadang sasakyan.
Mabuti sana kung may magbasa pa kung nasa
kasagsagan ng pamamayagpag si haring araw?
Sana 'wag dumating ang panahon na ang mga isusulat natin dito ay:
  • Gerald loves Kim!
  • I was here!!!!!!!!!!
  • Yahooooooo! Sinagot na ako ni Matilda -Sputnik
  • Wntd txtm8 0917-123-4567
  • fraternity/sorority so&so rulz!!!
  • if you are N.I.T., you are E (brainteaser)
  • Ako'y nalolongkot :-(
  • Vote Marvin Agustin 4 Prez!
  • Gago ka Sputnik, binuntis mo ako!

Sabagay sakop pa rin naman ang mga ito ng kalayaang magpahayag.
Pero walang maiaambag sa pagpapalalim ng pulitikal na kamalayan
kundi repleksyon lamang ng dekadenteng kulturang pop.

hilaw.

malasado.

malabnaw.

utak-biswit. utak-pulburon.

Pinakamataas na Pagpupugay

Pinakamataas na pagpupugay para sa mga nagsikap na balansehin ang pag-aaral, paghahanap-buhay at paggampan sa organisasyon. Sa isang banda ay mapalad kayo dahil mas naihanda nito kayo ng mas maaga para sa hinaharap. Sa ganitong sitwasyon, kayo ang nagbibigay ng karangalan sa UP (hindi ang kabaligtaran).

random points

  • hindi grado ang tanging sukatan ng tagumpay. pero maaari rin itong maging batayan kaya hindi dapat ipagwalang bahala na lang.
  • minsan ang grado sa isang asignatura ay hindi lamang sumasalamin sa kung ano ang alam ng isang mag-aaral. nakapaloob din dito ang maraming intrinsic na bagay tulad ng kanyang disposisyon sa buhay, kasanayan sa pakikipagkapwa at tatag ng kalooban.
  • mataas magbigay ng grado ang mga theology professors para maging kawili-wili at katanggap-tanggap ang paksa (ang diyos, si kristo, mga santo, atbp.) sa mga mag-aaral.
  • higit na mas maraming maaaring matutunan sa labas ng silid-aralan. sa katotohanan, ang papel lang ng silid ay para may lugar tayo na mapag-usapan at maiproseso ang mga ito. nasa silid tayo hindi lamang para matuto kundi para rin magbahagi.
  • kulang ang 4 na taon sa kolehiyo. sa katotohanan, habang lumalapit ang pagtatapos ay mas nagiging malinaw sa atin na mas marami pa pala tayong dapat malaman.

Climate Change

Climate change is a threat to food security
given its adverse effects to global agricultural production.
It also poses danger to public health.
Of particular concern is the poverty-stricken region of Sub-saharan Africa
considering the vulnerability of its people.
Climate change therefore is both economic and ecological in nature.
A problem of global proportion calls also for a solution of global scale.
Naging bahagi tayo ng problema,
maging bahagi tayo ng solusyon.
Tulad ng rebolusyon o pagkokopyahan (o anumang bagay),
nasa pagkakaisa ang lakas.
  • Live in moderation.
  • Bawasan ang malimit na pagtetext.
  • Ang masyadong malalaking bahay na para lamang sa
    isang maliit na pamilya ay makonsumo sa kuryente. 'Di efficient!
  • Maging isang "enercop" (mala-energy audit team na nagsasagawa ng mga on-the-spot checks para magsulong ng energy conservation drive o "enercon") sa inyong bahay at iba pang lugar.
  • Gawing http://www.blackle.com/ ang homepage. Thanks to Ms. Reburiano for the suggestion.
  • Educate the people within your sphere of influence about eco-sophy.

prayer

  • our way of talking to someone supernatural, or
  • our way of talking to ourselves (reflection, introspection)
  • or probably both

forwarded text joke

Sa Bakery...

Pulubi: Palimos po ng cake.
Ate: Aba, sosyal ka a! Namamalimos ka lang gusto mo pang cake. Eto pandesal na lang!
Pulubi: Duh, Ate, birthday ko kaya today!!!!!!!!!

konkretong pagsusuri sa konkretong kalagayan

Sa maraming pamantasan (kasama na rin minsan ang UP), masyadong abstract ang talakayan ukol sa mga kaso ng pagpalabag sa karapatang pantao at kahirapan. May limitasyon ito. Inaasahan ang mas konkretong pagsusuri. Kaya napakahalaga ng paglubog sa komunidad (bilang rekisito sa klase o gawain ng kilusan).

Sunday, October 07, 2007

point of contention

Why can't the government allot more airtime
for the promotion of generic drugs,
instead of the already over-exposed PCSO infomercial?
People play lotto and sweepstakes anyway.
Poverty is a motivation strong enough.

numero

  • practical (e.g. mathematics of investment, social research, electoral science, etc.)
  • neverneverland economics (to quote doc ed)
  • in tallying the number of times professors puctuate/intersperse their statements with noh?, uhmmm, OK, tangna, see, well, etc.
  • in tallying the excessive absences of the professors (sana lang idinedeklara rin nila ang kanilang mga pagliban para sa kaltas-sahod tulad ng ipinapatupad sa ibang empleyado ng pamantasan)
  • a co-faculty suggested that a professor should be allowed to just meet his/her students for 2 straight days (given the time allocation of 48 hours per semester) so that both the professors and the students can proceed with their own productive lives right thereafter. academic freedom daw.

Gross National Happiness (an alternative measure of development)

COMPONENTS

  • equitable distribution of economic wealth
  • cultural integrity
  • ecological preservation
  • good governance

Thursday, October 04, 2007

SS 120 (Sociology of Work, by pair, Oct. 9)

Interview on Job Satisfaction/Dissatisfaction
Note: Post a message here to secure your group an interviewee
  • elevator operator
  • photocopy machine operator
  • research assistant/associate
  • Pulis OYSTER
  • professional journalist (print or broadcast)
  • SPED teacher
  • clinical psychologist
  • human rights lawyer
  • insurance agent
  • on-line tutor
  • curator
  • chief of staff (Congress)
  • embassy staff
  • information officer
  • development worker (international)
  • UP professor emeritus
  • veterinarian
  • industrial worker

Part I: interviewee's profile
Part II: interview proper (Q&A)
Part III: analysis with RRL

Wednesday, October 03, 2007

Kumander Bawang

Kataka-taka kung bakit sa pelikulang Kumander Bawang (na pinagbidahan ni Herbert Bautista) ay pawang mga marginalized ang kumakatawan sa mga aswang. Halimbawa:
  • katutubong Ifugao
  • unano
  • female sex workers
  • parloristang binabae
  • kasambahay
  • matabang tagaluto sa maliit na karinderya
  • may kapintasan sa katawan
  • miyembro ng bagong hukbong bayan

Subalit sila ay pinamumunuan ng mga kapwa aswang mula sa alta-sociedad. Ano ang sinasalamin nito ukol sa katangian ng lipunang Pilipino? Maaaring may nais iparating ang horror-comedy na ito higit sa layuning mang-aliw lamang. Maaari rin namang wala lang.

Iron Triangle (The Unholy Trinity)

  1. executive (arroyo, favila, teves, etc.)
  2. legislative (de venecia, villar, etc.)
  3. lobbyists (joint foreign chambers of commerce)

PROPOSED Magna Carta for Kasambahays (Empowering Inday and Badong!)

  • guarantees their right to just & humane working as well as living conditions
  • mandates the execution of a notarized job contract by and between the employer and househelper before the start of any service.
  • entitles them to statutory pay rates, a 13th month pay equal to one month's salary and mandatory coverage by the Philhealth, on top of existing protection by the SSS
  • requires normal work hours not exceeding 10 hours every day (any work they perform in excess would have to be paid extra)
  • entitles them to at least 8 hours of continuous rest every day, in addition to 1-hour respites each for breakfast, lunch and dinner
  • mandates that they would work for not more than 6 consecutive days every week
  • entitles them to 14 days annual vacation leave w/ pay
  • entitles them to basic necessities, including 3 full meals every day; adequate, private and safe sleeping quarters; as well as advances to cover work-related illnesses or injuries, subject to reimbursement by the SSS & Philhealth
  • sets a comprehensive standard for the decent treatment of househelpers.
  • prohibits mistreatment, such as the deprivation of basic necessities as punishment or disciplinary action
  • prohibits the employment of househelpers via sub-contracting
  • bans recruitment & finder's fees at the househelper's expense
  • disallows bonded labor, or the use of future services as collateral for an advance extended to the househelper
  • guarantees their right to privacy of communications, as well as the right to freely get in touch with their families
  • gives freedom to pursue schooling, subject to flexible work schedule adjustments, w/o any pay reduction

Source: www.senate.gov.ph

Tuesday, October 02, 2007

PAL Flight Attendant Qualifications (Bawal si Bakekang?)

  • Must be a Filipino citizen
  • 18 - 27 years old
  • Females must be single; at least 5'2 1/2 in height (preferably 5'3' and above)
  • Males preferably single; at least 5'6' in height
  • With good visual impact and pleasing personality
  • Weight must be proportionate to height
  • With clear complexion and good set of teeth
  • Must be at least college level
  • Must have excellent command of English and Filipino
  • Preferably knows how to swim

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...