Wednesday, October 28, 2009

Journalism


"The media may have to go beyond their traditional role of giving neutral, fair and balanced coverage and do a lot of news analysis and some investigative and explanatory reporting to give the voting public a good idea of what is going on. The media will have to help the voters make intelligent and informed choices."

-Isagani Yambot
chairman of the Philippine Press Institute
PPI and publisher of the Philippine Daily Inquirer

random thoughts

  • Tulad ng inaasahan, isa-isang nanlalagas ang mga kandidato sa pagkapangulo. Ang matitira'y yaong may 3 P's - peso, popularity, political party.
  • Patutunayan na naman ng halalang 2010 na hindi makabayan at makamamamayan ang mga malalaking partidong politikal sa bansa. Ang mas nananaig ay indibidwalismo, interes ng pamilya at negosyo. Kung gayo'y partidong politikal pa rin bang maituturing ang mga ito o mga pansamantalang samahang naitatag lamang na ang layo'y personal na ganansya.
  • Sigurista ang ilang may-ari ng malalaking kumpanya. Halimbawa, sa halip na sumugal lamang sa isang kandidato (sa pagkapangulo) ay mamumuhunan sila sa mas maraming kandidato sa porma ng donasyon para sa kampanyang elektoral. Sa pamamagitan ng taktikang ito'y tiyak pa rin ang proteksyon ng kanilang negosyo sinuman ang manalo.

Monday, October 26, 2009

Third World Network


http://www.twnside.org.sg/

random points

  • tabo = water dipper
  • coastal tourism destinations in the Philippines = Bohol, Cebu, etc.
  • "Kawawa we" = negative perception about Willie Revillame's rumored electoral bid
  • St. Jude Thaddeus = patron saint of hopeless cases
  • October 28 = feast day of St. Jude Thaddeus
  • electoral integrity = opposite of electoral fraud
  • Development Studies = Pag-aaral Pangkaunlaran
  • Development praxis = development theory + development practice
  • academic excellence and social responsibility = UP's commitment

Friday, October 16, 2009

_______________________
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
Mahabang bakasyon.

Paalala sa mga DS Seniors

Pakitiyak na kumpleto kayo sa RGEP, electives, cognates at iba pang required subjects. Kung may kulang man ay habuling maisama na makuha sa darating na semestre. Suriin makailang ulit ang checklist at makabubuti ring kumuha ng TCG (true copy of grades) sa OCS para tiyaking kumpleto ang grado. Ipagbigay-alam sa iba. Salamat.

Sunday, October 11, 2009

DS 126

Wala na tayong sesyon sa darating na Sabado (Okt. 17). Ipapamahagi ko ang classcard ninyo kasabay ng Econ 151 sa RH 231 sa Okt. 16 (Biyernes) ganap na 2:30 n.h. Doon ko rin ibabalik ang inyong ikalawang dagli ukol sa modernong pamamahala. Ipagbigay-alam ito sa iba. Salamat po.

Agenda Oct 16 (Friday)

  • NSTP - integration and classcard distribution
  • DS 123 - exam by elimination (Ibon Facts and Figure and Bulalat special report on public health situationer) and classcard distribution
  • DS 127 - exam by elimination (Raul Segovia's Dictionary of Crises in the Philippine Ecosystems available at the CAS library) and classcard distribution
  • Econ 151 - integration and classcard distribution

Agenda (Oct 13-14)

  • NSTP - continuation of the tanaga/haiku presentation (topics: online addiction, poverty tourism, golf tourism, bakwet, grief tourism, corporate welfarism, baby stealing and selling, commodification of body parts, time poverty)
  • DS 123 - FINAL DAY OF SUBMISSION OF HEALTH & SOCIETY AVP, film viewing on health and society AVP
  • DS 127 - FINAL DAY OF SUBMISSION OF SD AVP, show&tell of any item related to eco-plunder/eco-advocacy (by pair, research well)
  • Econ 151 - panel discussion on budget reform
  • Econ 115 - FINAL EXAM and classcard distribution

Friday, October 09, 2009

Ponsaran's tentative load next semester

  • NSTP (Social Development)
  • DS 100 (Development Theories)
  • DS 123 (Filipino Identity and Culture)
  • DS 112 (Third World Studies)
  • Econ 116 (Asian Economies)

Wednesday, October 07, 2009

random thoughts

  • May katotohanan ang sinabi ni Noreen Sapalo (DS freshie) na nag-aastang "messianic" ang ibang may kaya sa buhay tuwing may kalamidad sa pamamagitan ng pamamahagi ng tulong. Wika nga ng isang senador, mas mataas lagi ang kamay ng nag-aabot ng tulong kaysa tumatanggap - manipestasyon ng 'di pantay na power ralations.
  • Kalunos-lunos kapag nagsabay ang matinding gutom at puyat. Araw-araw itong karanasan ng maraming anakpawis (toiling masses) o anak-dalita (o yaong mga lumaki sa pagiging dukha ayon kay Prop. Amante del Mundo).
  • Para sa aki'y isang karangalan ang magkaroon ng mga estudyante na ngayo'y kapwa dalubguro na rin. Dumagdag sa kanilang bilang si Jotabs Teves na ngayo'y nagtuturo sa PUP at STI.

Sunday, October 04, 2009

random thoughts

  • Isang pamantasan sa Kalakhang Maynila ang nagbigay ng opsyon sa mga kaguruan nito na huwag nang magbigay ng pinal na eksaminasyon sa mga mag-aaral. Sa halip ay maaaring iukol ang oras sa pagsasapraktika ng mga natutunan sa klase sa pamamagitan ng pakikibahagi sa emergency management at pagtulong sa rehabilitasyon ng mga nasalantang komunidad. Halimbawa'y tutulong ang mga mag-aaral ng Sikolohiya sa psycho-social counseling o mga mag-aaral ng Komunikasyon sa public information campaign. Anila, isa itong alternatibo pero epektibong ng porma ng edukasyon.
  • Sumasang-ayon ako sa pahayag ng isang komentarista na karaniwan na tayong nakakabalita ng malalagim na sakuna subalit ang natatangi sa bagyong Ondoy ay marami sa mga biktima'y kakilala natin o tayo mismo.
  • Tama ang sinabi ng isang opisyal ng pamahalaan. Ang mga nasalanta na kasalukuyang nasa mga pansamantalang tirahan ay maaaring imobilisa o pakilusin upang mas mapabilis ang rehabilitasyon ng mga komunidad. Aniya, hindi sila dapat itinuturing na pabigat o perwisyo. Mga potensyal silang human resources, dagdag pa niya.

Thursday, October 01, 2009

Reminders

  • Oct 9 - NSTP Globalization AVP deadline
  • Oct 9 - DS 127 SD AVP deadline
  • Oct 9 - Montalban group Daluyong AVP submission
  • Oct 9 - Praxis AVP submission (c/o Yfur, Ienne, et. al.)

  • Oct 6 - submission of classcards,
    to be collected by the following pointpersons
    NSTP - Mr. Arceo
    DS 123 - Ms. Villanueva
    DS 127 - Ms. Caraan
    Econ 151 - Ms. Palattao
    Econ 115 - Ms. Caranto
    DS 126 - Mr. Fernandez

SS 120 science communication speech (Nov 26)

Deliver an  original  speech about your assigned topic. Limit the speech to   three minutes only . Introduce yourself properly. Provide an  ...