Tuesday, January 31, 2006

Economics 101

Submit a review of any of the book publications (related to Economics or Political Economy) authored by any of the following:
-Calixto Chikiamko
-Walden Bello
-Edberto Villegas
-Bernardo Villegas
-Renato Constantino
-Amartya Sen
-Richard Peet
-Paul Krugman
-Joseph Stiglitz
-E.F. Schumacher
-Alejandro Lichauco
-Michel Chossudovsky
-Jose Maria Sison
-Antonio Tujan
-Tereso Tullao
-Martin Khor

(2-3 pages, single spacing, font size: 10, font style: Arial, alignment: justified, date of submission: last meeting for the month of February)

katutubo 101

1. Bakit itinuturing ng mga katutubo na ang "lupa ay buhay"?
2. Anu-ano ang pagkakakilanlan ng katutubong Pilipino (pisikal, pulitikal, pang-ekonomiko at panlipunan)?
3. Ano ang papel na katutubo sa pangangalaga sa kalikasan?
4. Anu-ano ang mga suliraning kinakaharap ng katutubo sa kasalukuyang yugto ng globalisasyon?
5. Paano naaapektuhan ang mga katutubo ng mga "proyektong pangkaunlaran" ng pamahalaan tulad ng pagtatayo ng mga dambuhalang dam sa kanilang lupaing ninuno?

Ang Lupa ay Buhay

Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa pagbubukas ng exhibit na may pinamagatang "Ang Lupa ay Buhay" (Isang Sulyap sa Buhay at Pakikibaka ng mga Pambansang Minorya sa Pilipinas). Gaganapin ito sa ika-6 ng Pebrero alas-10 n.u. sa Rizal Hall Lobby, College of Arts and Sciences, University of the Philippines-Manila.

May inihanda ring programa ang mga mag-aaral sa araw ng pagbubukas ng exhibit. Narito ang balangkas:
Opening Remarks (Dr. Sioco)
Poetry Reading (Selected DS 100 at NSTP students)
Interpretative Dance (Selected DS 100 students)
Progressive Song (Katribu)
Solidarity Message (Anakbayan, Katribu at Tanghalang Batingaw)
Ribbon Cutting (Dean Nicolas)
Closing Remarks (MK de Guzman)

Tatagal ang exhibit ng limang araw (Pebrero 6-10, 2006). Ang exhibit ay itinaon sa Linggo ng Department of Social Sciences (DSS) na may pangkalahatang tema na "Aklas".

Ang exhibit ay tulong-tulong na binuo ng mga estudyante sa DS 100, NSTP-CWTS II ng Devstud Program at ng Katribu (Kabataan para sa Tribung Pilipino). Nag-ambag din ang mga mag-aaral ng DS 111 na kalakhan ay PolSci major.

Sunday, January 15, 2006

Papel ng Sandatahang Lakas sa Kasaysayan ng Pilipinas

Papel ng Sandatahang Panlakas sa Kasaysayan ng Pilipinas
ni John N. Ponsaran

Ang sandatahang panlakas ng isang tribo, kilusan o bansa ay nagsisilbing tagapagtanggol ng kanilang teritoryo, kabuhayan, mamamayan, pamunuan, interes at prinsipyo sa pamamagitan ng armadong pakikidigma—opensiba o depesiba man. Sa kabuuan, masalimuot ang papel ng sandatahang panlakas sa kasaysayan ng bansa. Lumalabas na hindi lamang ito usapin na kinapapalooban ng mga nagtutunggaling puwersa sa bansa sapagkat napakalaki ng papel na ginampanan ng mga dayuhang mananakop sa pagkabuo nito at kung ano na ito sa kasalukuyan.

Pagbabaliktanaw sa Kasaysayan
Ang sinaunang sandatahang panlakas ay ang mga mandirigma ng bawat tribo. Sila ang nagtatanggol sa kanilang angkan o tribo laban sa panghihimasok ng ibang tribo bunga ng di-pagkakaunawaan o ekpansyonismo. Ang mga masisikhay na mandirigma ng mga tribong ito rin ang naglunsad ng mga pulo-pulong pag-aaklas o isolated uprising laban sa mga mapang-abusong Kastila. Sinasalamin nito ang katotohanan na ang mga katutubo sa bansa ay likas na nagpapahalaga sa kalinangan, kabuhayan at kalayaan.

Sa pagpapatuloy ng layuning makamit ang pambansang kasarinlan, ang mga rebolusyunaryong Pilipino ay naglunsad ng armadong pakikibaka laban sa mga mananakop na Kastila na tuluyang napagtagumpayan noong 1898. Panibagong hamon naman ang hinarap ng mga Pilipino sa yugto ng pananakop ng mga Amerikano na sa simula ay nagpanggap na kaalyado ng bansa. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsanib puwersa naman ang mga Pilipino at Amerikanong sundalo laban sa mga sundalong Hapon na higit na nagpatibay sa di-pantay na ugnayang militar ng dalawang bansa.

Kinasangkapan ng mga Amerikano ang sandatahang lakas ng mga Pilipino upang labanan ang lumalaganap na komunismo na banta sa kanilang pang-ekonomiya, pampulitika at panseguridad na interes sa rehiyon. Naging instrumento ang sandatahang panlakas ng estado sa layunin ng imperyalistang U.S. na higit na palawakin ang teritoryo nito sa Asya sa pamamagitan ng mga kasunduang militar tulad ng Military Defense Treaty (MDT) at Military Bases Agreement (MBA).

Naging instrumento rin sila upang lansagin ang pakikibaka ng mga armadong magsasaka at rebelyong Muslim. Ipinaglalaban ng mga organisadong magsasaka ang kanilang karapatan sa pagmamay-ari ng lupa na pawang konsentrado lamang sa kamay ng iilang mga panginoong maylupa o landlord. Tinututulan din nila ang paglapastangan ng mga Amerikano sa pambansang soberanya ng Pilipinas na isinasakatuparan sa pamamagitan ng iba’t-ibang patakaran nito sa kalakalan, pananalapi, ugnayan panlabas, militar at iba pa. Ipinaglalaban naman ng mga Muslim sa Mindanao ang kanilang karapatan na humiway sa Republika bilang isang nagsasariling bansa o independent Islamic state. Sa mahabang panahon ay biktima sila ng diskriminasyon, pandarahas at dislokasyon sa kamay ng mga dayuhan at maging ng kapwa nila Pilipino.

Sandatahang Panlakas sa Panahon ng Batas Militar
Pangunahin ang naging papel ng militar sa pagpataw ni Marcos ng Batas Milirar o Martial Law. Kinasangkapan ni Marcos ang institusyong ito upang mapanaliti siya sa kapangyarihan. Naging instrumento ang tanggulang pambansa upang lansagin ang mga lihim na kilusan laban sa kanyang pamahalaan at para magsagawa ng mga pandarahas sa mga kalaban niya sa pulitika. Ginamit rin sila upang paigtingin ang sensura o censorship, paniniktik o espionage, pananakot at manipulasyon.

Papel ng Militar sa Pagpapabagsak ng Pamahalaan
Mahalaga rin ang papel ng mga militar sa pagpapabagsak ng pamahalaan sa pamamagitan ng coup de ‘etat. Matatandaan na niyanig ng kabi-kabilang coup ang administrasyon ni Aquino sa pangunguna ng Reform the Armed Forces Movement (RAM) at ng mga opisyal ng militar na nananatiling tapat sa kay Marcos o mga Marcos loyalist.

Ang pagbawi ng suporta ng ilang paksyon ng militar sa pamunuan ni Marcos ay mahalagang yugto sa kasaysayan ng pakikibaka para sa demokrasya. Ganoon din ang naging karanasan ng bansa sa pagpapatalsik kay Estrada sa kapangyarihan. Isa-isang bumaligtad ang mga pinuno ng sandatahang panlakas upang makiisa sa lumalakas na panawagang bumaba ng siya pagkapangulo.

Sa kasalukuyan ay aktibo ang sandatahang panlakas ng bansa sa pakikiisa sa U.S. laban sa pandaigdigang terorismo. Hati ang mamamayan sa kanilang opinyon ukol dito. May nagsasabi na ito ay makatwiran sapagkat laban ito para maipagtanggol ang demokrasya at pandaigdigang kapayapaan. Subalit marami ang naniniwala na ang puno’t-dulo ng tinaguriang “U.S.-led War of Aggression” laban sa Iraq at maging sa iba pang bansa sa Middle East ay ang pagkontrol sa produksyon ng langis sa rehiyon. Binigyang diin nila na kasaysayan na mismo ang magpapatunay na ang mga patakaran militar at ugnayang panlabas ng U.S. ay laging nakasentro lamang sa pagsasakatuparan ng mga layunin nitong makasarili.

Kontrobersya sa Militar
Sa kasalukuyan ay nahaharap din sa kontrobersya ang militar dahil ay papel diumano nito sa malawakang dayaan sa eleksyon noong 2004. Isinasaad ng Konstitusyon ng 1987 na ipinagbabawal ang direkta o di-direktang pakikibahagi ng militar sa kahit na anong gawaing may kaugnayan sa pakikialam sa pulitika o political partisan activity maliban sa pagboto tuwing halalan. Kung ito man ay may katotohanan, maaaring sabihin na walang pagkakaiba ang kalikasan ng sandatahang panlakas ngayon at yaong panahon ng diktaturyang Marcos.

Imahe ng Militar
Aktibo ang militar sa mga civic action tulad ng misyong medikal-dental, relief operation at iba pa. Nakatutulong ito upang mapalapit ang loob ng mamamayan sa mga militar. Malaki ang naitutulong ng mga militar sa panahon ng kalamidad. Sa pamamagitan ng kanilang mga kagamitan tulad ng tangke, eroplano helikapter at barko ay higit na napapadali at napapabilis ang pagtulong sa mga nasalanta ng sakuna tulad ng bagyo, pagputok ng bulkan, pagguho ng lupa o landslide, digmaan at iba pa. Subalit may mga nagsasabi na psychological warfare lamang ito upang kunin ang tiwala ng mga taga-nayon at putulin ang ugnayan ng mga rebolusyunaryong kilusan sa mga mamamayan. Kilalang-kilala si Ramon Magsaysay sa paraang ito bilang taktika laban sa mga Hukbalahap noong dekada ‘50.

Mainit na usapin din ang paggamit ng pamahalaan sa mga militar upang supilin ang lehitimong pakikibaka ng mga ordinaryong mamamayan. Hindi makakalimutan ng taong-bayan ang marahas na pagpapaulan ng bala sa mga magsasaka at manggagawang-bukid sa Mendiola noong 1987 na tinaguriang “Mendiola Massacre” at sa Tarlac noong 2004 na tinaguriang “Hacienda Luisita Massacre.”

Sa kabuuan, mahalaga ang papel ng sandatahang lakas ng bansa sa paghubog ng kasaysayan ng Pilipinas. Napakamakapangyarihan nito bilang institusyon. Kaya nararapat lamang na pamunuan ito ng isang sibilyang presidente na tumatayong commander-in-chief ng sandatahan. Ito ay upang tiyakin na dapat mangibabaw ang sibilyan sa militar dahil ang Pilipinas ay isang demokratikong republika. Sa hinaharap, umaaasa ang mamamayan na ang sandatahang panlakas ay magiging totoo sa dakilang misyon na tiyakin ang interes ng bansa at ng mamamayan nito, hindi ng dayuhang bansa o iilang makapangyarihan sa lipunan.

Sanhi ng Kahirapan

Mga Sanhi ng Kahirapan
ni John N. Ponsaran

Mabigat na hamon sa pamahalaan, pandaigdigang samahan, mamamayan at maging sa pribadong sektor ang pagsugpo sa malawakang kahirapan. Balakid ito sa layunin ng bawat isa na umunlad at guminhawa ang buhay. Upang ito ay maisakatuparan, maraming mga programa at proyektong inilunsad ang pamahalaang lokal at nasyunal, mga pangrehiyon at pandaigdigang samahan o regional and international organization tulad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) United Nations (UN) at mga organisasyong binuo ng mga mamamayan o non-governmental organization (NGO) at people’s organization (PO) upang solusyunan ang kahirapan sa lipunan. Subalit hindi magiging matagumpay ang anumang hakbang kung hindi magagawang tukuyin ang sanhi o ugat ng kahirapan sa konteksto ng lipunang binibigyang-pansin, halimbawa Pilipinas. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga itinuturing na sanhi ng kahirapan ng mga mamamayan. Ang mga suliraning ito magkaka-ugnay at maaaring sabay-sabay taglayin ng isang bansa.

Hindi Makatwirang Sistema ng Pagmamay-ari ng Lupa
Nananatiling nasa kamay lamang ng iilan ang pag-mamay-ari ng lupa sa bansa. Malaking bilang pa rin ng mga magsasaka ang walang sariling lupa. Karamihan sa kanila ay mga manggawang bukid o farm worker ng mga malalaking hacienda na pagmamay-ari ng mga panginoong may lupa o landlord. Sa halip na pakinabangan nila ang kanilang ani ay tumatanggap lamang sila ng kakarampot na suweldo na hindi sapat para sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Isang halimbawa ng ganitong sistema ay ang karanasan ng mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita sa Tarlac na pagmamay-ari ng angkan ng mga Cojuangco. Isang pangarap pa rin hanggang ngayon para sa maraming magsasaka ang tunay na reporma sa lupa.

Kawalan ng Pagpapahalaga Kasaysayan
Ang isang bansa na hindi marunong magpahalaga sa kasaysayan ay inaasahang magpapaulit-ulit lamang na daranasin ang mga nauna nitong pagkakamali. Ayon kay Renato Constantino, isang makabayang historyador, mahalaga ang pambansang pagkakakilanlan o national identity at katutubong kalinangan sapagkat ang mga ito ang nagbibigkis sa mamamayan bilang isang lahi. Sinasalamin ng neokolonyal na sistema ng edukasyon sa maraming bansa ang kawalan ng pagpapahalaga sa katutubong kalinangan at kasaysayan.

Hindi Pantay na Relasyon sa Ibang Bansa
Ang bansang nagmistulang tambakan lamang ng sobrang produkto, taga-suplay ng murang at sunud-sunurang lakas-paggawa at tapunan ng mga pinaglumaan at depektibong teknolohiya ng dayuhang estado ay maituturing na isang bansang nakapaloob sa makabagong anyo ng kolonisasyon o neocolonialism. Ang ganitong sistema ang higit na nagpapahirap sa mga mamamayan ng isang bansa. Ang pagdagsa ng sobra produkto sa isang bansa ay nakakaapekto sa lokal na industriya. Kung hindi magawang makipagsabayan ng lokal na industriya, maaari bumaba ang kita nito at tuluyang magsara. Inirereklamo naman ng lakas-paggawa ang laganap na diskriminasyon o pagtatangi batay sa lahi at ang mababang pasahod sa mga pagawaan na pagmamay-ari ng mga dayuhang kapitalista. Ang pagtanggap ng bansa sa mga pinaglumaan at depektibong teknolohiya mula sa dayuhan ay maaaring magdulot ng matinding pinsala sa mamamayan at kapaligiran.

Lubog sa Dayuhang Pagkakautang
Napabigat na hamon sa pamahalaan ng isang bansang lubog sa kumunoy ng pagkakautang ang pagbabayad dito. Karaniwang may pagkakautang ang mga mahihirap na bansa o tinatawag ding Global South o developing countries sa mga multilateral financial institution tulad ng IMF-WB at mayayamang bansa o tinatawag ding Global North o developed countries. Matindi ang epekto ng malaking pagkakautang ng mga mahihirap na bansa sa mga programang panlipunan nito. Sa halip na ilaan sa patubig, kalusugan, edukasyon, pabahay at iba pang batayang serbisyong panlipunan ay napupunta lamang ito sa pambayad utang.


Atrasado at Dekadenteng Kultura
Mahalaga ang papel ng kultura sa pagsasakatuparan ng layunin ng isang bansa na umunlad at guminhawa. Subalit magsisilbi lamang itong hadlang kung ang katangian nito ay atrasado at dekadente. Ilan sa mga manipestasyon ng kultura na may ganitong katangian ay ang laganap na katiwalian sa pamahalaan, paniniwala sa mga pamahiin na nakakasama sa kapakanan ng tao, bulag na pagsunod o blind obedience, pagiging makasarili at mapag-imbot sa kapwa, pagsasabukas ng mga bagay na maaaring gawin ngayon o procrastination, pagiging palaasa sa kapwa at sa ibang bansa o culture of dependence and mendicancy at iba pa.

Kawalan ng Katatagang Pampulitika
Mahalaga ang papel ng katatagang pampulitika upang tiyakin na hindi maikokompromiso ang interes ng sektor pang-ekonomiya. Ang pamunuan na puro bangayan, pagpapakitang-gilas, gipitan at pansariling kapakanan lamang ang inaatupag ay hindi nakabubuti sa ekonomiya at sa mamamayan. Bagama’t mahalaga ang debate sa isang demokratikong sistemang pampulitika, ang kalabisan naman nito ay nakakasama sa pamumuhunan, kalakalan at empleyo. Ang paiba-ibang patakaran sa bawat administrasyong pampanguluhan ay may masasamang implikasyon sa operasyon ng dayuhan o lokal na negosyo. Ang isang sistemang walang katatagang pampulitika ay hindi maaring asahan na makakapaghatid ng mataas na kalidad na serbisyo publiko o makakalikha ng desenteng trabaho para sa mga mamamayan nito.

Panggamit ng Hindi Angkop na Modelong Pangka-unlaran
Ang modelong pang-kaunlaran o development model ay balangkas na ginagamit ng isang bansa upang patakbuhin ang ekonomiya at mapaunlad ito. Isinasaad at ginagabayan ng development model ang patakaran ng isang bansa na may kinalaman sa pananalapi, pakikipagkalakalan, paggamit ng likas na yaman, empleyo, pagbubuwis, pangungutang, ugnayang panlabas at iba pa. Ang bawat development model ay may binabagayang sitwasyon o kondisyon. Samakatwid, makasasama sa kapakanan ng bansa at mamamayan nito ang paggamit ng isang development model na idinikta lamang ng ibang mas malakas na bansa tulad ng Estados Unidos o pandaigdigang institusyong pananalapi tulad ng World Bank (WB) at International Monetary Fund (IMF) lalo na kung ito ay hindi angkop sa konteksto ng kasaysayan, kultura, ekonomiya at pulitika ng bansa. Halimbawa, hindi makatwirang ipilit sa isang bansang agrikultural tulad ng Laos at Cambodia na gamitin ang isang modelong pangkaunlaran ng isang industriyalisadong bansa tulad ng Japan at France ng basta-basta. Maaaring humalaw ng modelo sa ibang bansa subalit dapat itong i-angkop sa partikular na kalagayan at karanasan ng lipunan.

Nazism at Holocaust

Ang Mapaminsalang Nazism at Holocaust
ni John N. Ponsaran

Ang isang ideolohiya, patakaran o pamunuan ay hinahatulan batay sa pangkalahatang epekto nito sa mamamayan. Kasaysayan ang hahatol kung ito ba ay naghatid ng kabutihan o kapinsalaan sa lipunan. Siyasatin natin ang isang yugto ng kasaysayan sa Germany sa panahon ng pamamayagpag ng pamahalaan ni Adolf Hitler mula 1933-1945 o mas popular sa bansag na Nazi Germany o Third Reich.

Ang Nazismo

Ang ideolohiya ay isang sistema ng paniniwala na nagsisilbing balangkas, salalayan o batayan ng desisyong pang-ekonomiya, kilusang pampulitika at sistema ng pamamahala sa lipunan. Ang Nazism o Nazismo bilang isang ideolohiya ay mayroong negatibong konotasyon bunga ng hindi magandang karanasan ng mga mamamayang Hudyo o Jews sa Germany. Nazismo ang nagsilbing ideolohiya ng National Socialist German Workers Party o mas kilala bilang Nazi Party na pinamunuan ni Adolf Hitler. Samakatuwid, hindi maiiwasan na direktang i-ugnay sa kanya ang ideolohiyang ito.

Totalitatianismo at Sentralisadong Pamumuno
Isa sa mga katangian ng Nazism ay ang pagkakaroon ng malakas na sentralisadong pamahalaan. Mas nakahihigit ang Estado sa interes ng mga mamamayan sa ilalim ng ganitong sistemang pampulitika. Kontrolado ng pamahalaan ang maraming aspeto ng lipunan. Ipinapatupad ang mahigpit na sensura sa paglalathala. Walang puwang ang kritisimo at malayang pamamahayag. Mahigpit din ang regulasyon sa paglalabas-pasok ng mamamayan sa bansa. Walang timbangan o balanse ng kapangyarihan sapagkat nakakonsentra sa kamay ng mga nasa posisyon ang ekslusibong awtoridad na magpasya. Kontrolado rin ang kamalayan ng mamamayan sa pamamagitan ng mga mga pambansang simbolo tulad ng swastika, watawat, slogan at iba pang bagay na kumakatawan sa Estado.

Kapansin-pansin ang pagkakapareho ng Nazismo at Fascism sa usapin ng pilosopiya at patakaran sa sistemang pampulitika, pang-ekonomiya at panlipunan. Ang tanging pagkakaiba lamang ay ang sakop. Ang Nazismo ay tumutukoy sa partikular na sitwasyon sa Germany sa panahon ng Third Reich. Samantalang ang Pasismo namang ay tumutukoy sa mga pampulitikang kilusan o pamahalaan sa iba’t-ibang panig ng daigdig na may sistemang sentralisado, militaristiko at awtokratiko tulad ng Italy sa panahon ng pamumuno ni Benito Mussolini. Samakatuwid, maaaring ituring na isang uri ng Pasismo ang Nazismo.

Militarismo
Sentral ang papel na ginagampanan ng militar o hukbong sandatahan sa pagpapanatili ng awtokratikong rehimen ni Hitler. Tungkulin ng militar na proteksyunan ang Estado sa anumang uri ng pagsalakay upang ito ay hindi mapabagsak ng anumang grupo. Upang ito ay tiyakin, malaking halaga ang inilalaan ng pamahalaan sa higit pang pagpapalakas sa hukbong sandatahan para sa karagdagang armas at pagsasanay. Ang tawag sa ganitong patakaran ay militarismo.

Si Hitler at ang Social Darwinism
Etnosentriko ang pananaw ng mga Nazi. Naniniwala sila na nakahihigit ang lahing Aryan kumpara sa iba pang lahi sa daigdig. Para kay Hitler, ang mga Jews, Gypsies at Slavic ang umoukopa sa pinakamababang saray o antas ng lahi sa mundo. Ang isang tao na may etnosentrikong pananaw ay naniniwala na ang kanyang kultura o pangkat na kinabibilangan ay higit na nakapangyayari kaysa sa iba.

Naniniwala si Hitler na ang mga mahihina, sakitin at mabababang uri ay dapat mawala sa lipunan upang tiyakin na yaong mga malalakas, mahuhusay at nakapangyayari lamang ang mananatili. Ang kaisipang ito ay may kaugnayan sa pilosopiyang Social Darwinism na nagsasaad na sadyang may di-pagkakapantay-pantay sa natural na kaayusan ng mga bagay-bagay sa lipunan.

Mahigpit ding ipinatupad ang patakaran ni Hitler laban sa mga bakla at may kapansanan o sakit na maaaring maipamana sa mga magiging anak. Tulad ng mga Hudyo, dumanas din sila ng matinding pagmamalupit. Alinsunod sa pilosopiya ni Hitler ay isinakatupaaran din ang sterilisasyon at pagpatay sa mga naghihirap bunga ng malubhang karamdaman o tinatawag ding “euthanasia.”

Sa kabuuan, sinasalamin ng kanyang mga patakaran laban sa mga Hudyo at iba pang grupo na itinuturing niyang mababa ang kaisipang ito. Samakatwid, may pagtatangi ang pamahalaan ni Hitler batay sa etnisidad, lahi at kasarian.

Kinukondena niya ang isang lipunan na binubuo ng iba’t-ibang lahi at pangkat-etniko sapagkat balakid ito diumano sa pagbuo ng isang pambansang pagkakakilanlan o “national identity” at matatag na bansa. Malayong mapagkaisa ang isang bansa na binubuo ng iba’t-ibang pangkat-etniko. Naniniwala rin siya na dapat ay hindi pahintulutan ang pakikipag-asawa sa ibang lahi o inter-marriage upang manaliting puro ang dugong Aryan. Para sa kanya, ang isang bansang may iba’t-ibang wika at kultura ay walang katatagan at hindi magtatagumpay sa anumang larangan.

Kung patakaran sa mga pambansang minorya ang pag-uusapan ay maraming pagkakahalintulad ang pamahalaang Estados Unidos at ang awtokratikong rehimen ni Hitler. Tulad ng mga Hudyo ay dumanas din ang mga Native Americans o American Indians ng pandarahas, dislokasyon at panunupil mula mga Amerikano na nag-aastang higit na nakapangyayari.

Ang Holocaust at mga Kaso ng Paglabag sa Karapatang Pantao
Malagim ang naging karanasan ng mga mamamayang Hudyo sa Germany sa panahon ng totalitaryanismong Hitler. Dumanas sila ng iba’t-ibang uri ng paglabag sa karapatang pantao. Marami sa kanila ang ikinulong nang matagal sa panahon sa mga labor at concentration camps kung saan ilan sa kanila ay dito na rin namatay bunga ng pagkakasakit at kumplikasyon.

Sistematiko at maramihan ang ginawang pagpaslang sa kanilang hanay kaya tinagurian itong genocide o mass murder. Sa pagtataya ay may 11 milyong kalalakihan, kababaihan at kabataan ang namatay sa yugong ito ng kasaysayan na tinawag ng Holocaust.

Hindi maikakaila ang marahas na pagtrato sa mga Hudyo sa yugtong ito ng kasaysayan ng Germany. Sa katunayan ay detalyado itong naitala sa talaarawan ni Anne Frank, isang batang Hudyo na dumanas na matinding hirap kasama ang kanyang pamilya sa isang concentration camp. Isinulat niya dito ang karanasan ng kanyang pamilya at kapwa Hudyo na balot ng takot, kaba at pag-aalala.

Kinondena ng maraming mamamayan sa iba’t-ibang panig ng daigdig ang mapang-abuso at di-makataong patakaran ni Hitler laban sa mga minoryang Hudyo. Itinuring silang minorya bunga ng kanilang kakaunting bilang kumpara sa mga Aleman (German) na higit na nakararami at mapalad kaysa sa kanila. Pawang mga German lamang ang nakinabang sa mga programang pangkaunlaran ng pamahalaan ni Hitler.

Neo-Nazismo
Sa kasalukuyan, ipinagbabawal na sa Germany ang Nazismo subalit may mga grupo pa ring yumayakap sa kaisipang ito. Tinatawag silang mga Neo-Nazis. Ang ilan sa kanila ay aktibo rin sa Estados Unidos at maging sa ibang bahagi ng Europa. Sa pelikulang “American History X” ay isinalaysay ang buhay ng mga taong yumayakap sa Neo-Nazismo at kung paano nito sinira ang kanilang kinabukasan. Binigyang diin sa pelikula ang negatibong epekto ng mapanira, mapaghiganti at marahas na katangian ng Neo-Nazismo sa mamamayan lalong-lalo na sa mga nabibilang sa ibang lahi tulad ng mga African, African-American, Latino at Asyano.

Ang pagtatangi batay sa etnisidad, lahi at nasyunalidad ay hindi makatwiran at dapat kundenahin. Una, wala itong kongkretong batayan. Ikalawa, nagiging pamantayan lamang ito sa pagsasakatuparan ng malawakang diskriminasyon at pagmamalupit sa ibang lahi o pangkat-etniko sa lipunan. Ikatlo, nagdudulot ito ng pagkakahati-hati sa lipunan na maaaring magresulta sa kaguluhan, kapahamakan at kamatayan. Sa Sosyolohiya, tinatawag na racial o ethnic stratification ang hindi pantay na antas sa estado, pagtingin at opurtunidad para sa iba’t-ibang lahi o pangkat-etniko sa daigdig.

Wednesday, January 04, 2006

advisory

Econ 101-prelim exam 100 items (5 January)
DS 100-ACLE II-"Health and (Mal)Development" (6 January)
DS 111-Show&Tell on radicalism; reporting (6 January)
DS 128-Workshop (hypothetical case in an organizational setting) 6 January
NSTP-ACLE II-"Rebolusyon ng Sikmura at Atrasadong Kaunlaran" (7 January)

CHILD SOLDIERS

NO OPTION, BUT TO FIGHT! by Dr. Nymia Pimentel-Simbulan, Business World, 2 January 2006

Dr. Nymia-Pimentel Simbulan is a professor of Sociology in the Department of Behavioral Sciences, University of the Philippines-Manila.
She is currently the director of the Office of the Student Affairs of UP Manila and the executive director of the Philippine Human Rights Information Center (PhilRights). She obtained her bachelor's degree in Sociology from UP Diliman and her M.S. and Ph.D. in Public Health from UP Manila.

Guide Questions
1. Based on the existing literature, define human rights.
2. Compare and contrast CAFGU from AFP.
3. What is the profile of a typical child soldier in the Philippines?
4. What are the factors which led to the children's involvement in armed conflicts (CIAC)? Which of them would you think as the most compelling reason for the CIAC phenomenon?
5. What makes ideology and political cause very pronounced among children belonging to MILF as their motivation to participate in the armed conflict?
6. According to the book, "DEADLY PLAYGROUNDS: THE PHENOMENON OF CHILD SOLDIERS IN THE PHILIPPINES," why do children join armed groups out of their personal conviction/choice (i.e., in the absence of coercion and torture)?
7. In light of the CIAC phenomenon, what are the risks involved that jeopardize the welfare of the children?
8. In the Philippine experience, what are the root causes of armed struggle in general?
9. Differentiate state and non-state armed groups.
10.Why should the problem of CIAC be addressed in synergy?

Tugon sa Budget Deficit

Tugon ni Ate "Glue" sa Budget Deficit
ni diwangpalaboy

Pilit na pinanatili ng national government (NG) na huwag ng humigit pa sa Php 180 B ang budget deficit ng bansa. Para isakatuparan ito, heto diumano ang sagot: tax reform package, lateral attrition law (LAL) at energy conservation (enercon). Sa tingin ko ay enercon lang sa tatlong ito ang 'di gaano kinuyog ng kabi-kabilang kontrobersya. Hindi ko na tatalakayin ang isyu ukol sa tax reform partikular sa E-VAT. Sapat ng tingnan ang editorial cartoon ng PDI noong ika-4 ng buwang ito upang ito ay bigyang diin at linaw. Itinampok sa caricature ang tunggalian ng interes ng mga karaniwang mamamayan at ng pamahalaan (na kapwang nagpapambuno).

Mistulang reward and punishment system naman itong lateral attrition law. Isinasaad ng batas na ito na mapaparusahan ang mga opisyal ng BoC at BIR kung mabibigong makakulekta ng mas mababa sa 10% ng inaasahang halaga o target. Subalit kung mahigitan naman ang target ng 10% ay may aasahan silang insentibo (10% ng kabuuang halaga ng labis na nakulekta). Ayon sa pamahalaan, mas magiging episyente diumano ang BoC at BIR sa pamamagitan ng patakarang ito. Subalit bakit kailangang tumanggap pa ng insentibo ang mga kawani ng mga nasabing tanggapan? Hindi ba't trabaho naman nila talagang maging mabisa (efficient) at mahusay (competent) sa pagganap ng kanilang mga tungkulin. Ito ang karaniwang argumento ng mga kritiko ng LAL.

Naging epektibo ang kampanya para sa enercon sa pagpapababa ng kagastusan ng pamahalaan sa kuryente. Maging ang Department of Budget and Management (DBM) ay hindi nakaligtas sa kahihiyan nang ito mismo ay bumagsak sa pamantayan ng enercon sa isang biglang pagbisita ng mga enercops o ang energy audit team sa kanilang mga tanggapan. Kahiya-hiya, kagawaran pa man din ng pagbabadyet ng limitadong pondo ng pamahalaan.

WOMEN'S HUMAN RIGHTS

15 Steps to Protect Women’s Human Rights
by Amnesty International (AI)

1. Governments should recognize that women's human rights are universal and indivisible.
2. Ratify and implement international instruments for the protection of human rights.
3. Eradicate discrimination, which denies women human rights.
4. Safeguard women's human rights during armed conflict.
5. Stop rape, sexual abuse and other torture and ill-treatment by government agents and paramilitary auxiliaries.
6. Prevent "disappearances" and extrajudicial executions by government agents and compensate the victims.
7. Stop persecution because of family connections.
8. Safeguard the health rights of women in custody.
9. Release all prisoners of conscience immediately and unconditionally.
10. Ensure prompt and fair trials for all political prisoners.
11. Prevent human rights violations against women refugees and asylum-seekers and displaced women.
12. Abolish the death penalty.
13. Support the work of relevant intergovernmental and non-governmental organizations.
14. Promote women's rights as human rights through official programs of education and training.
15. Armed political groups should safeguard women's human rights.

Tuesday, January 03, 2006

Highlights of the proposed amendments by the Consultative Commission (ConCom) to the national economy and patrimony provisions
•allowing the State to explore, develop, and utilize resources, or enter into co-production, joint-venture, or production-sharing agreements with corporations fully-owned by foreigners
•allowing corporations fully-owned by foreigners to hold alienable lands of the public domain by lease
•allowing the transfer of land classified as industrial, commercial or residential to foreign individual or corporations with foreign ownership
•removal of citizenship restriction on franchises and ownership of public utilities.
•allowing foreign ownership in advertising and mass media


No-El Proposal
The proposed scrapping of 2007 elections (No-El) will also be a debatable issue among power brokers. Political observers view it as quid pro quo (this-for-that) in exchange of the coveted congressional and provincial support. It is also perceived as a political maneuver to allow the continuance of the Arroyo administration until 2010. The Palace, on the other hand, pointed out that 2007 election will be very divisive and expensive. The way it looks, the approval of Cha-cha has the nod of most of the members of the House of the Representative but does not stand a chance in the Senate.


Crisis of Legitimacy and Credibility
A crisis of legitimacy and credibility troubles key institutions in the government namely the Presidency, the Comelec and the AFP. If this trend continues, it will undermine the very foundation of the democratic processes and institutions in the country. Any reform measures will translate to nothing without a functioning democracy in place. Meanwhile, President Arroyo contents herself with piecemeal solutions such as reorganization and media blitz, which do not actually attend to the roots of the problems.

Globalization

Some Notes about Globalization

>Globalization is a complex issue because the nations of the world have varying experiences about how they face and go about this process.

>Globalization penetrates almost every aspect of the society and almost every nooks and cranny of the world. In the economic sense, globalization means freer and faster movement or mobility of people, capital investments, technological capital, products and currency across nations.

>In the cultural sphere, globalization propagates the use of English as mode of communication in the economic transaction, diplomatic relation and academic matters in many countries around the word. The modernization of technology led to the popularization of cosmopolitan and consumerist lifestyle of the West.

>Globalization has also wrought irreparable damages to the life of the poor people from the South. It weakened their sense of national identity. English language and Western values became the yardstick of cultural development at the expense of the indigenous culture. Local producers were also economically displaced by the excessive dumping of foreign products, thereby intensifying the problem of income inequality, poverty and underdevelopment in the Third World.

>Poor countries which do not have the capacity to launch national industrialization as a result of insufficiency in capital and technological input are left with the huge supply of labor force as its competitive advantage and source of economic redemption. Some are employed as migrant workers while others remain in the country to work in big factories commonly owned also by foreigners.