Tuesday, January 31, 2006

Ang Lupa ay Buhay

Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa pagbubukas ng exhibit na may pinamagatang "Ang Lupa ay Buhay" (Isang Sulyap sa Buhay at Pakikibaka ng mga Pambansang Minorya sa Pilipinas). Gaganapin ito sa ika-6 ng Pebrero alas-10 n.u. sa Rizal Hall Lobby, College of Arts and Sciences, University of the Philippines-Manila.

May inihanda ring programa ang mga mag-aaral sa araw ng pagbubukas ng exhibit. Narito ang balangkas:
Opening Remarks (Dr. Sioco)
Poetry Reading (Selected DS 100 at NSTP students)
Interpretative Dance (Selected DS 100 students)
Progressive Song (Katribu)
Solidarity Message (Anakbayan, Katribu at Tanghalang Batingaw)
Ribbon Cutting (Dean Nicolas)
Closing Remarks (MK de Guzman)

Tatagal ang exhibit ng limang araw (Pebrero 6-10, 2006). Ang exhibit ay itinaon sa Linggo ng Department of Social Sciences (DSS) na may pangkalahatang tema na "Aklas".

Ang exhibit ay tulong-tulong na binuo ng mga estudyante sa DS 100, NSTP-CWTS II ng Devstud Program at ng Katribu (Kabataan para sa Tribung Pilipino). Nag-ambag din ang mga mag-aaral ng DS 111 na kalakhan ay PolSci major.

SS 120 science communication speech (Nov 26)

Deliver an  original  speech about your assigned topic. Limit the speech to   three minutes only . Introduce yourself properly. Provide an  ...