Thursday, August 11, 2005

doodle301

doodle301

2 tauhan.
isang himod tumbong (kiss ass)
isang mapagpanggap (ang 'puno')
ako (saksi)

eksena:
post-conference ng isang X sa isang Y

kalakaran ito pagkatapos ng peer evaluation.
masinsing hinihimay ang detalye.
akala mong siya ang paragon of teaching excellence
(at least, 'yon yung kanyang self-image pero hindi para sa nakararami)

ma-ere.
napaka-piyudal makipagdiskusyon (kung diskusyon nga bang matatawag ang naganap)
pakiwari ko ay para lamang magarantiyang siya pa rin ang nakapangyayari (self-assurance, kumbaga)

nakakasakal.
nakakawala ng moral.

tanghod na lang ng tanghod ang abang tauhan (tau-tauhan)
ratsada pa rin si madam ratsa...

sa loob-loob ko, sige maglokohan kayong dalawa.
sa kabuuan, pareho naman kayong makikinabang.
win-win kayo sa paternalistikong relasyong kinapapalooban ninyong dalawa!
ego-boost para kay bosing
garantiyang may ikabubuhay naman para kay kaawa-awa sa susunod na tatlong buwan.

imaalingawngaw pa rin si ratsada.
sa sistemang ito, dapat patronizing ka.
hi po!
hello po!

sirkulo ito.
self-perpetuating.
basta't may kapit sa patalim na himod-tumbong at mapagpanggap na 'puno', magpapatuloy ang ganitong set-up.

imaalingawngaw pa rin siya.
parang mega-phone.






DS 112 e-booklet project based on the chosen book from the library (December 5)

   Convene the members of your book project. Be sure that you have read and studied your chosen material. Submit an e-booklet featuring/insp...