PANAWAGAN
Malaki ang inaasahan sa hanay ng mga mulat at nagmamalasakit na mag-aaral at dalubguro ng Unibersidad ng Pilipinas (at ng iba pang pamantasan) na magbigay-linaw sa publiko ukol sa makasarili, mapanlinlang at mapang-abusong panukalang Cha-cha ng kasalakuyang dispensasyon.
Hindi lamang silid-aralan ang ating battle ground o lunsaran ng malayang talakayan. Naandyan din ang lansangan, salas ng ating mga tirahan, papag o umpukan sa bawat kanto, lounge ng mga dormitoryo, cyberspace at iba pa. Sa mga maliliit na bagay ay makakapag-ambag tayo na mapagtagumpayang biguin ang anti-mamamayang maniobra ni Hitlerina ang ng kanyang mga himod-tumbong na galamay (na kapit-tuko sa posisyon at mayroong malalaking business interest).
Impormal na makipagtalakayan (o makipagkwentuhan) sa mga magulang, kapatid, kamag-anak, kaklase, dating kaklase, guro, dating-guro, karelasyon, ka-berks, kasama sa call center, ka-org, ka-brod o ka-sis, kababata, kasama sa mga prayer meeting, kasamang mag-yoga, manong taxi driver, barbero, katulong/kasambahay, ka-friendster, ka-textmate, ka-e-mail, ka-blog, ka-probinsya, ka-umpukan at iba pa. Pagsumikapan na bigyang-linaw ang mga pangunahing argumento laban sa Cha-cha. Kung sakaling hindi nagkakaiba ang inyong tindig laban isyung ito, tiyakin na higit pa nitong mapapalalim ang inyong pagpapalitan ng kuro-kuro.
Tandaan na may mga pagkakataon din na maaaring mas abante pa sila sa impormasyon kaysa sa iba sa atin (lalo na yaong mga taxi drivers na babad sa AM radio at sa araw-araw na pakikipag-talakayan sa kanilang mga pasahero na kapwa nila highly-opinionated)
Hindi kailangang sagadsarang makipagdebate o makipagtalo. Maraming argumento ang mas naipatatagos o naipaaabot sa pamamagitan ng malumanay at rasyunal na pakikipagtalakayan o pakikipagkwentuhan.
Ito ang isa sa marami nating magagawa upang kontrahin o inutralisa ang mga pinondohang caravan at propaganda upang ipopularisa at gawing katanggap-tanggap ang Cha-cha sa publiko. Sa ganang akin ay hindi kailangan ang Cha-cha sa kasalukuyan lalo na kung ikukunsidera ang mga hindi katiwa-tiwalang mga tao na nasa likod ng sagadsarang pagtataguyod nito.
Tandaan na mayroon tayong social responsibility sa loob at labas ng pamantasan.
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
1. Provide an appropriate title for the brochure. 2. Include the names of the group members. 3. Provide in-text citations (DS 112). 4. Avoid...