Friday, April 28, 2006

japeyk ng prexy

JAPEYK NA PREXY
ni diwang palaboy

elitista, sadista, butangera
assumptionista, istrikta, oportunista

GATT-WTO, R-VAT: pabigat, dagdag pahirap

militarisasyon at propaganda'y pambanat
well-oiled, methodical, well-thought out

sarili'y pinalibutan ng utak-pulbura
namely reyes, senga, mendoza, ermita, at iba pa
(C-U-N-N-I-N-G)

mga ex-communists, ex-journalists at ex-military sa kanya ri'y nakasuporta
ganansya: matabang bulsa (tang 'na!)

sigaw ng bayan ('di ni lambino)...
problema'y pasismo, militarismo at si gloria mismo

wika nga ng isang pagtatanghal sa peyups
pekeng pangulo, pekeng demokrasya
kulturang japeyks pala

'di lehitimo
magnanakaw ng boto

bugtong, bugtong...
may ulo, walang puso
may mukha, walang hiya
sagot: ang squatter sa palasyo
si gloria, may iba pa ba?

siya ang Pinoy's Big B(R)OTHER!
walang duda!

the best option noong nakaraang halalan diumano
ang maniwala, may saltik sa ulo

ma-derail nawa ang iyong sinangkutsang cha-cha express
anu't-ano man ang kalabasan, kasaysayan pa rin ang hahatol dito!
kung sa classcard man, singko ag grado!

panawagan
biguin ang pambansang nunal at ang kanyang barkadahang lutang!
papanagutin ang pambansang simbolo ng pagkaganid at kawalang katapatan

pekeng peminista
pekeng ngiti
pekeng pakete

DS 141 instructional video

Form a group of five members. Produce a 4-minute instructional video via Zoom recording based on your chosen topic.  Avoid duplication of to...