Kumander Nunal
ni Diwang Lutang
1st reading...2nd reading...3rd reading
Kung maipapasa ng lehislatura (na dinodomina ng mga power-elite), mahirap (at napakamapanganib) ipagkatiwala sa rehimeng Nunal ang pagpapatupad ng panukalang-batas laban sa terorismo. Asahan ang mas maraming kaso ng pamamaslang ng mga aktibista 'pag nagkataon.
Sinabi ni G. Renato Reyes ng Bayan na mas maraming mga sibilyan ang napaslang kaysa sa mga miyembro ng Bagong Hukbong Bayan sa pagpapatupad ng patakarang todo-giyera (all-out-war) ni Kumander Nunal simula nang maluklok siya sa poder noong 2001. Kontra-mamamayan, sa anumang pamantayan.
moral..amoral..immoral
Sabi ni Kumander Nunal ay magiging sandigan ng kanyang panunungkulan ang moralidad (unang SONA). Masasabi bang may konsepto siya ng moralidad nang parangalan niya sa kanyang nakaraang SONA (ika-anim) ang isang mamamatay-tao.
Hindi ko alam kung ano ang mas kasuklam-suklam para sa iba: ang isang utak-pulbura at himod-tumbong na mamamatay-tao o isang pinunong sibilyan na dumadakila at nagpupugay sa isang utak-pulbura at himod-tumbong na mamamatay-tao. Si Paltik mismo ang nagsabi sa isang panayam sa kanya ng ABC-5 na maaaring direkta o di-direktang may kinalaman siya sa mga kaso ng mga pagpaslang kung saan man siya italaga. Wika nga, "sa bibig nahuhuli ang isda."
Paltik...Saltik...Lintik
Lalong pupula ang hasang nina Paltik at ng kambal-tukong Gonzales (siRAULo at Banana Man) kung maipapasa ang nasabing panukalang-batas. Naalala ko tuloy ang pakikipagkwentuhan ko sa isang Gng. Gonzales sa isang programa sa CSWCD sa Diliman kamakailan. Napakamalas daw niya at kaapelyido pa niya ang dalawang kagalang-galang na opisyal.
Paltik raised to Nunal Power=Paltik. Paltik. Paltik. Paltik. Paltik...Paltik (pabrika ng paltik)...
Laganap ang pananakot at panggigipit sa mga sibilyang pinaghihinalaang kasapi ng mga armadong hukbong bayan at progresibong party-list. Sa anumang pamantayan, ito ay isang porma ng terorismo. Kung magpapatuloy ang pamumuno ni Kumander Nunal, dadami ang clone ni Paltik sa iba't ibang panig ng kapuluan. Lalaganap ang kagaw. Lalaganap ang peste. Lalaganap ang militarismo.
1...2...3
acute gastroenteritis...flu...asasinasyon
S(L*)N
*impyerno (kung mayroon man)
Thursday, August 17, 2006
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
1. Provide an appropriate title for the brochure. 2. Include the names of the group members. 3. Provide in-text citations (DS 112). 4. Avoid...