Ang mga sumusunod na mag-aaral ay nakatokang sumulat ng orihinal na tula ukol sa mga nakatakdang paksa. Mag-isip ng angkop na pamagat. Gawing malikhain, kritikal at malalim ang inyong mga katha. Babasahin ninyo ito sa araw ng pagbubukas ng DSS Week sa ika-5 ng Pebrero sa CAS Rizal HAll Lobby, 9:30 ng umaga. Maaaring sa wikang Filipino o Ingles ito isulat. Ilagay sa aking pigeon hole sa loob ng DSS ang inyong mga katha kasama ang inyong contact number sakaling mayroong kailangang baguhin dito. Si Jen Macapagal ang inaatasan kong maging emcee sa programa at ako naman ang magbabalangkas ng magiging daloy nito. Inaatasan ko si MK na hilingin sa Karatula (Rosas ng Digma) at Karet (Tatsulok) na umawit sa programa. Ang DevSoc naman ang inaatasan kong maghahanda ng mikropono at karaoke. Samantalang ang iba sa mga estudyante ko ngayong semestre ay matotokahang gumawa ng bookmarks at magdala ng nilagang saging na saba na ating ipapamahagi sa araw na yaon. Itotoka ko ito sa klase. Inaasahan ang pagdalo ng lahat sa okasyong ito. Salamat ng marami.
Paksa
SR Terry Ridon (youth vote in '07 polls)
Mike Abrigo (kabataan sa taong 2050)
Patricia Rosales (pop culture)
Tim Maderazo (kabataang petty-b)
Jen Macapagal (freethinker)
Carlo Valerio (eksena sa mob)
Camille Rodriguez (txt gnrtn)
Ron Michael Garcia (malayang kaluluwa)
Wimalyn Cainap (vanity)
Justine Llanes (gitara)
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
1. Provide an appropriate title for the brochure. 2. Include the names of the group members. 3. Provide in-text citations (DS 112). 4. Avoid...