- Ihanda na ang reserbasyon ng LT at ng mga kakailanganing kagamitan (LCD, laptop, atbp) ng mas maaga.
- Repasuhin ang balangkas ng programa. Ihanda na rin ang lay-out nito. Ipakita sa akin sa June 5 ng umaga (10 am).
- Ipakita rin sa akin sa June 5 ang plano ng program committee sa dekorasyon ng stage (banner lang naman ang kailangan at ilang pirasong malong)
- Titipunin ko sa June 5 ng umaga ang mga bumubuo sa clearing house sub-committee ng exhibit committee para pag-usapan ang mga litratong (10-15) isasama sa panel ng bawat grupo (7). Inaasahang hawak na ng clearing house sub-committee ang mga litrato ng 7 grupo sa araw ng iyon. Inaasahan ding may mga representante ang bawat grupo sa pulong na ito.
- Simulan nang mangulekta ng kontribusyon para sa ihahandang pagkain batay sa napag-kaisahan ng food committee.
- Paghandaan na ang presentasyon na itatanghal ng bawat grupo (PPT/Flash presentation, etc.). Siguraduhing dadaan ang mga ito sa content at language editing ninuman sa pinagkakatiwalaang kamag-aral (kabilang man o hindi sa grupo). Maaari n'yo ring ikonsulta ito sa akin, kay Atty. Baguilat, Dr. Villegas, Kuya Reggie at Amihan (kapwa mga NSTP professor na rin sa University of Makati). Tumukoy lamang ng 2 taga-pagsalita para sa aktwal na presentasyon. Unuulit ko po: Hindi kailangang ilahad lahat ang inyong karanasan at natutunan sa erya sapagkat naitala na ito sa inyong written reports (journal, technical paper, lexicon)
- Bigyang diin ang mga isyung panlipunan, mahahalagang kaalaman (facts and figures), natatanging tagpo at rekomendasyon sa presentasyon ng bawat grupo. Hindi nangangahulugang puro PPT presentation ang paraan ng paglalahad.
- Simulan na ang pagsusulat ng tula (para sa mga mag-aaral na kabilang sa poetry reading).
- Simulan na ang pagbuo ng PPT/Flash presentation para sa Parangal sa mga PO at Giya.
- Ipaalam na sa mga PO at foster parent ang araw ng pagtatanghal habang maaga.
- Inaasahan po ang kooperasyon ng bawat isa.
Wednesday, May 30, 2007
Practicum Conference
quotes
"Lifestyle is a matter of choice for people who have a choice."-Cito Beltran
"Dahil sa pag-concede ni Mike Defensor, iboboto ko na s'ya sa 2010."-listener of a radio program
"One killed is one too many"-US senator on the extra-judicial killings in the Philippines
"Ang practicum ay pagpapakumbaba ng pamatasan sa masa."-Prof. Alamon (formerly with DS Program)

Sunday, May 27, 2007
INVITATION
PAGLUBOG, PAG-INOG, PAGHUBOG
What: DevStud Practicum Conference '07*
Where: Little Theater, Rizal Hall, CAS-UP Manila
When: June 15, 2007 (9 am-4 pm)
*fieldwork experience of the practicumers (7 communities); cultural presentation (poetry reading, song number); tribute to guides and people's organization; solidarity message; etc.
Friday, May 25, 2007
Development Studies Program
The A.B. in Development Studies was instituted in 1980 as an urgent response to the need to develop practitioners and scholars in development work to confront urgent socio-economic problems in the Philippines. Development Studies enables the students to cull from the experiences of other nations, particularly in the Third World, so that they can develop the ability to formulate and implement developmental programs which are nationalist, scientific, and people-oriented. Both external and internal factors of development are taken into consideration.
The program includes the following areas: development theory, comparative studies, Philippine national development, research methodology, and administrative techniques.
Thursday, May 24, 2007
Random Thoughts
- Nanalo ako sa Lotto 6/49 noong Linggo! 4 sa 6 na numero. P800 ang premyo. Nagastos ko na. Ika-4 na taya ko ito sa Lotto simula noong ipinanganak ako. Unang panalo.
- Dahil sa init ng panahon, napakadaming na-stroke at inatake sa puso (mga traydor at life-style related na sakit) noong nakaraang 2 buwan. Mangyayari ito taun-taon (Abril-Mayo).
- Dahil sa kawalan ng impormasyon ukol sa 300% na pagtaas ng matrikula sa Peyups, madaming freshies ang hindi nakapag-enroll. Kulang ang pera. Dinaig pa ng UP ang mga pribadong kolehiyo dahil sa napakalaking porsyento ng pagtataas ng matrikula nito.
- Talo si Ali Atienza! Una, ibinuhos ng oposisyon ang suporta kay Lim (Erap, Lacson, Lopez, atpb.). Ikalawa, balwarte ng oposisyon ang Maynila (noon hanggang ngayon). Ikatlo, kaalyado ni Lito Atienza si Gloria at "kiss of death" ang pagkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Ayun, collateral damage tuloy itong si Ali (malas!). Ika-apat, sa mga nasaksihan kong kampanya ay bihirang pinagsasalita ni Lito ang kanyang anak. Lalo tuloy nagmukhang walang gulugod itong bagito. Puro ngiti at kaway lang. Akala ko tuloy ay pipi itong si Ali. Panghuli, epektibo ang kontra-krimen na plataporma ni Lim lalo't higit ang aspetong ito ang napabayaan ni Atienza.
Sunday, May 20, 2007
Bangungot
Bangungot*
ni Diwang Palaboy
I.
Action Stars
Sen. Lapid (nagbabalik sa Senado matapos isuka ng Makati)
Sen. Revilla (nagpapanggap na seryoso; nagpapanggap din na senador)
Sen. Estrada (pinakamasaklap, nagpapanggap na action star)
II.**
Chopsuey (songer+mowdel+clown+machete)
Sen. Wood (pumyok)
Sen. Gomez (naflatan)
Sen. Sotto (nabulaga)
Sen. Montano (na-out “shine”)
III.
Ang hinaharap
Sen. Marvin Agustin (Senado muna bago ang pagkapangulo batay sa hula ni Bob Ong)
Sen Vilma Santos (si Luis naman ang hahalili sa kanya sa lokal)
Sen. Eddie Gil (maghihiganti matapos manahimik)
*Maaari ring “Sumpa” depende kung ano sa 2 ang mas kahindik-hindik
**Halaw sa kumakalat na text message

Monday, May 07, 2007
Panawagan
HINIHINGI NG KASAYSAYAN NA HUWAG NATIN IBOTO ANG MGA KAALYADO NI GLORIA ARROYO.
HIHINGI NG SITWASYON NA IBASURA NATIN ANG MGA HIMOD-TUMBONG SA KANYA.
SAKSI ANG SAMBAYANAN KUNG PAANO NIYA GINAMIT ANG KANYANG OTORIDAD AT SALAPI UPANG IMPLUWENSYAHAN ANG MGA:
>BUMUBUO SA MABABANG KAPULUNGAN,
>ILANG SENADOR,
>MGA LOKAL NA PAMAHALAAN (LGU),
>COMELEC
>MILITAR, CAFGU, KAPULISAN AT ANG
>KANYANG GABINETE
PARA SA SARILING KAPAKANAN MULA 2001 HANGGANG NGAYON.
WALANG DAHILAN PARA HINDI NIYA GAWIN ULIT ITO NGAYONG DARATING NA ELEKSYON PARA PALAWIGIN ANG KANYANG PANUNUNGKULAN HANGGANG 2010 AT HIGIT PA.
HINIHINGI NG SITWASYON NA MAGHALAL TAYO NG MAS MARAMING TAGA-OPOSISYON UPANG WAKASAN NA ANG SUKDOL-GANID NA REHIMENG ARROYO.
MAY MGA KAKULANGAN DIN ANG OPOSISYON PERO NGAYON HIGIT NA KAILANGAN ANG KANILANG PRESENSYA. NGAYON HIGIT NA KAILANGAN ANG KANILANG PAGIGING KRITIKAL AT MAPAGBANTAY.
HINDI LAHAT NG NASA OPOSISYON AY DAPAT IBOTO PERO HINIHINGI NG PAGKAKATAON NA KARAMIHAN AY MANGGALING SA KANILANG HANAY (LOKAL O PAMBANSA MAN)
DAHAS, SALAPI, MAKINARYA AT PANLILINLANG ANG IPINAIIRAL NG PANGKAT NI GLORIA ARROYO UPANG TIYAKIN ANG TAGUMPAY NG KANYANG MGA PAKAWALA SA ELEKSYON.
ISA SA MARAMING PARAAN UPANG BIGUIN ITO AY ANG PAGBOTO SA KARAMIHAN (HINDI LAHAT) NG BUMUBUO SA OPOSISYON.
BIGUIN ANG MGA KAMPON NG PAMBANSANG NUNAL.
HUWAG IBOTO ANG MGA UTAK-PULBURA.
ILAGLAG ANG TEAM GLORIA!

Saturday, May 05, 2007
SUARA
Mga kaibigan, mga estudyante at dati kong estudyante at kapwa mag-aaral ng lipunan,
Magandang araw.
Makikisuyo naman. Maari po bang iboto n'yo at ikampanya sa inyong mga kapamilya at kaibigan ang SUARA BANGSAMORO (Voice of the Moroland) para magkaroon ng kinatawan ang mga kapatid nating Muslim at katutubo sa pambansang lehislatura. Malaking tulong po ito sa pagsusulong ng kanilang karapatan at kapakanan.
Isulat po natin sa balota ang SUARA BANGSAMORO (o SUARA para mas maikli) para sa party list.
Salamat po ng marami,
John

Subscribe to:
Posts (Atom)
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
1. Provide an appropriate title for the brochure. 2. Include the names of the group members. 3. Provide in-text citations (DS 112). 4. Avoid...