HINIHINGI NG KASAYSAYAN NA HUWAG NATIN IBOTO ANG MGA KAALYADO NI GLORIA ARROYO.
HIHINGI NG SITWASYON NA IBASURA NATIN ANG MGA HIMOD-TUMBONG SA KANYA.
SAKSI ANG SAMBAYANAN KUNG PAANO NIYA GINAMIT ANG KANYANG OTORIDAD AT SALAPI UPANG IMPLUWENSYAHAN ANG MGA:
>BUMUBUO SA MABABANG KAPULUNGAN,
>ILANG SENADOR,
>MGA LOKAL NA PAMAHALAAN (LGU),
>COMELEC
>MILITAR, CAFGU, KAPULISAN AT ANG
>KANYANG GABINETE
PARA SA SARILING KAPAKANAN MULA 2001 HANGGANG NGAYON.
WALANG DAHILAN PARA HINDI NIYA GAWIN ULIT ITO NGAYONG DARATING NA ELEKSYON PARA PALAWIGIN ANG KANYANG PANUNUNGKULAN HANGGANG 2010 AT HIGIT PA.
HINIHINGI NG SITWASYON NA MAGHALAL TAYO NG MAS MARAMING TAGA-OPOSISYON UPANG WAKASAN NA ANG SUKDOL-GANID NA REHIMENG ARROYO.
MAY MGA KAKULANGAN DIN ANG OPOSISYON PERO NGAYON HIGIT NA KAILANGAN ANG KANILANG PRESENSYA. NGAYON HIGIT NA KAILANGAN ANG KANILANG PAGIGING KRITIKAL AT MAPAGBANTAY.
HINDI LAHAT NG NASA OPOSISYON AY DAPAT IBOTO PERO HINIHINGI NG PAGKAKATAON NA KARAMIHAN AY MANGGALING SA KANILANG HANAY (LOKAL O PAMBANSA MAN)
DAHAS, SALAPI, MAKINARYA AT PANLILINLANG ANG IPINAIIRAL NG PANGKAT NI GLORIA ARROYO UPANG TIYAKIN ANG TAGUMPAY NG KANYANG MGA PAKAWALA SA ELEKSYON.
ISA SA MARAMING PARAAN UPANG BIGUIN ITO AY ANG PAGBOTO SA KARAMIHAN (HINDI LAHAT) NG BUMUBUO SA OPOSISYON.
BIGUIN ANG MGA KAMPON NG PAMBANSANG NUNAL.
HUWAG IBOTO ANG MGA UTAK-PULBURA.
ILAGLAG ANG TEAM GLORIA!
Monday, May 07, 2007
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
1. Provide an appropriate title for the brochure. 2. Include the names of the group members. 3. Provide in-text citations (DS 112). 4. Avoid...