Wednesday, October 10, 2007

random points

  • hindi grado ang tanging sukatan ng tagumpay. pero maaari rin itong maging batayan kaya hindi dapat ipagwalang bahala na lang.
  • minsan ang grado sa isang asignatura ay hindi lamang sumasalamin sa kung ano ang alam ng isang mag-aaral. nakapaloob din dito ang maraming intrinsic na bagay tulad ng kanyang disposisyon sa buhay, kasanayan sa pakikipagkapwa at tatag ng kalooban.
  • mataas magbigay ng grado ang mga theology professors para maging kawili-wili at katanggap-tanggap ang paksa (ang diyos, si kristo, mga santo, atbp.) sa mga mag-aaral.
  • higit na mas maraming maaaring matutunan sa labas ng silid-aralan. sa katotohanan, ang papel lang ng silid ay para may lugar tayo na mapag-usapan at maiproseso ang mga ito. nasa silid tayo hindi lamang para matuto kundi para rin magbahagi.
  • kulang ang 4 na taon sa kolehiyo. sa katotohanan, habang lumalapit ang pagtatapos ay mas nagiging malinaw sa atin na mas marami pa pala tayong dapat malaman.

DS 121 archaeology of poverty

- Form a new group of five members. - Exercise collective leadership and observe peer learning. - Produce a multi-level sentence outline abo...