- masarap ang ginataang chicken-pork adobo sa adobo republic. kakaiba pero ayos! wala lang.
- para lang may maihatid na bago ay kung anu-anong twists ang ginagawa sa pinoy big brother ng mga taong nasa likod ng programang ito (creative destruction?)
- nagngingitngit ang isang manong dahil ang pobreng magnanakaw ng manok ay bugbog sarado sa taong-bayan bago pa siya makarating sa prisinto pero ang magnanakaw sa kaban ng bayan ay nanatiling nasa poder at maaliwalas ang kalagayan.
- iminungkahi ng isang banyaga na bilang symbolic protest laban sa conjugal dictatorship, dapat lisanin ng mga tao ang silid na pinupuntahan ni imelda marcos. kaso sa mga nasaksihan ko ay kinagigiliwan pa siya ng mga tao na parang mascot.
- hindi nakapagtatakang masundan ang terror attack sa glorietta 2.
- ang press release ni gloria noong 2003 ay dadalhin niya raw ang laban sa droga sa bawat barangay. walang nangyari. kung meron man, lalo lang lumala.
Monday, October 22, 2007
random points
DS 141 photo voice instructional video
Form a group of five members. Produce a 4-minute instructional video about photo voice as applied to a particular health sector of your choi...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...