Sa supermart /hypermart ng mall, mas bulnerable tayong gumastos ng higit sa nararapat o inaasahan. Abot-kamay (literal) ang halos lahat ng produkto at madaling ilagay sa shopping basket/cart. Sa bawat bili, bibigyang katwiran natin sa ating sarili na:
- parang "gift" ko na ito sa sarili ko (self-pity)
- kailangang may stock lagi (akala mong may sari-sari store a!)
- bagay at tiyak na magugustuhan ito ni "mahal" (maalalahanin kunyari)
- 'di bale sumusweldo naman ako buwan-buwan (middle-class mentality)
- kasi ito ang "in" (demonstration effect)
- kasi 'pag nagkataon ako pa lang ang mayroon nito sa amin ("snob effect")
- sayang naman P 99 lang (psychological pricing)
- ang pamimili ay "source of empowerment" (ako-ang-mapagpasya-kung-anong-brand-ang bibilhin-ko mentality)