- Bihira sa tao ang pairalin niya ang kanyang prinsipyo at labanan ang sistema o ang mismong taong "nagpapakain" sa kanya.
- Karaniwang nagsasanib pwersa ang mga taong nakikinabang sa isa't isa. Hindi para sa dakilang layunin kundi upang isulong ang kani-kanilang personal na interes.
- Ang pagsasanib na ito ay upang mapagtakpan din ang kasiraan ng bawat isa.
- Ang pwersang ito ay karaniwang tutol sa anumang kontra-pwersa na yayanig sa kanila.
- Kusang mabubuwag ang anumang pwersa na walang matibay na salalayang ideolohikal (ideological foundation) dahil hindi magtatagal ay magbabangga-bangga rin ang kanilang mga personal na interes.
- Mahalaga pa rin sa lipunan (o organisasyon) ang ganitong klaseng grupo dahil maaari silang magsilbing masamang halimbawa sa iba para huwag pamarisan.
Saksi ako sa pwersa at kontra-pwersang ito!