Sunday, November 25, 2007

Pag-iipon

  • Ang pag-iipon ay hindi lamang "monetary in nature."
    Nagbibigay din ito ng kapanatagan ng loob.
  • Ang pag-iipon ay usapin ng disiplina sa sarili.
    Malaki ang kaugnayan nito sa kinamulatang
    kultura ng pamilya hinggil sa pag-iimpok.
  • Ang laki ng ipon ay nakasalalay sa tatlong konsiderasyon:
    (1) laki ng kita, (2) laki ng kagastusan, (3) pananaw ukol sa pag-iipon
  • Minsan ay mas "maluho" pa ang mga middle class kaysa
    sa mga mayayaman sapagkat gumagastos sila ng malaki
    sa mga bilihing hindi mahalaga sa kabila ng 'di naman kalakihang kita.
  • Ang pagiging isang matalinong mamimili
    ay may malaking epekto sa laki o liit ng naiipon.
  • Mas panatag ang loob mong gumastos
    kung alam mong mayroon kang ipon.

DS 126 (7 Ms poster exhibit for DSS Week 2025)

Kindly refer to the Google Drive provided in our FB group (divided between PS and DS). Check if your haiku entry/entries qualified for the p...