Tuesday, November 20, 2007

Victimization

Sa dami ng problemang panlipunan na sunod-sunod na kinakaharap ng bansa at ng mga institusyon at mamamayan nito, isang mabigat na hamon ang malapatan ng komprehensibo at malalimang pagsusuri ang bawat isyu. Bukod dito, hindi na rin nakikita ang kaugnayan ng isa't isa.

Biktima ng sitwasyon ang midya at akademya, lalo na ang publiko.

O maaari namang sinasadya talaga ito ng midya at akademya na kontrolado ng mga naghaharing uri upang lituhin ang publiko at ilayo sila sa katwiran.

Nagiging malabnaw ang pagsusuri ng isyu at nagreresulta ito sa maling interpretasyon at di-angkop na solusyon. Sa dulo, higit nitong pinapalala ang mga problema.

Lalong nagiging bulnerable ang mga dati nang mahihina at walang kapangyarihan.

DS 100

1. "unholy alliance" 2. power and control 3. development 4. value-free Social Science 5. social situatedness when the DS Program w...