Ang Buhay niya ay bukid,
kaulayaw bawat saglit
Munti niyang panagarap,
dito na lang nalibing.
Kailan pa ba makikita ang lupang minana
Ay maari na ring tawaging kanya
Bawat butil na pinagyaman ay pait ng kawalan
Sa gitna ng kahirapan may uring nakinabang.
Kailan pa ba makikita ang lupang minana
Ay maari na ring tawaging kanya
Lalaya rin ang lupa at mga magsasaka
Tutulungan sila ng mga manggagawa
Babawiin ang lupang ninakaw ng iilan
At ang bunga ng lupa'y bayan ang aani.