ang tiyak na haharapin ng pamilyang Arroyo sa oras
na matapos ang termino ni GMA bilang pang(g)ulo ng bansa.
Para maiwasan ito, lahat ay kanyang gagawin.
- Maaari siyang magpataw ng batas militar
na maaari namang susugan ng Kongreso
na kalakha'y kanyang kaalyado.
Kasaba'y nito ay ang sunod-sunod na kaso ng
state-sponsored terrorism upang bigyang
katwiran ang pagpapataw nito. - Maaari niyang isulong ang pagbabago ng
Saligang Batas upang pahabain ang kanyang
termino o para maging punong ministro sa isang
parliamentaryong gobyerno. - (Kung magkakaroon man ng halalan sa 2010),
maaari siyang sumuporta ng isang kandidato
sa pagkapangulo at tiyakin ang kanyang panalo
upang hindi mangyari sa kanya ang naging karanasan ni Erap.
Anu't anuman, magiging mapait ang hatol
sa kanila ng mamamayan at ng kasaysayan.