Friday, April 18, 2008

BABALA: DOBLE INGAT!

Nagngitngit at nabahala ako sa ginawang
panunupil ng mga state security force sa
kilos-protesta ng mga aktibistang mag-aaral
mula sa Unibersidad ng Pilipinas-Maynila sa
okasyon ng kanilang pagtatapos sa PICC.

Tinangka nilang agawin ang mga banner ng
mga demonstrador sa kabila ng mga sumusunod:

Una, tradisyon sa programa ng bawat pagtatapos
sa UPM ang ganitong mga kilos-protesta at
karapatan ninuman ang magpahayag
ng kanyang mga saloobing pampulitika lalo na
yaong may kinalaman sa kapakanan ng sambayanan.

Ikalawa, mismong si Chancellor Ramon Arcadio
na ang nagsabi sa kanyang pambungad na
pananalita na asahan sa programa ang ganitong
pagkilos dahil taun-taon itong ginagawa.

Ikatlo, nasa okasyon si Punong Mahistrado
Reynato Puno bilang panauhing pandangal
na kilalang tagapagsulong at tagapagtanggol
ng karapatang pantao. Tinangka pa rin nilang
supilin ang pagkilos ng mga mag-aaral kahit
na sa demokrasya, karapatang pantao at aktibismo
umikot ang tema ng talumpati ni Puno at ni Jeremy de Jesus
na siya namang nagbigay ng valedictory speech.

Ika-apat, ang mismong mga magulang at propesor
ng mga mag-aaral ay pawang nasa lugar ng insidente.

Panghuli, nakaantabay din ang media sa lugar ng pangyayari.

May nag-utos din na hugutin ang saksak ng
mikropono na ginamit ng tagapagsalita ng
mga kabataang-aktibista upang hindi marinig
ng madla ang kanyang pahayag at panawagan.

Ibayong pag-iingat sa lahat.

Kung nagagawa nila ito sa kabila ng lahat
ng nabanggit ay walang dahilan na hindi
nila nagawa, ginagawa o magagawa ang
iba pang mas masahol na paglabag sa
karapatang pantao lalo na sa hanay ng
mga di-makapangyarihang sektor sa lipunan.

SS 120 science communication speech (Nov 26)

Deliver an  original  speech about your assigned topic. Limit the speech to   three minutes only . Introduce yourself properly. Provide an  ...