Tuesday, May 06, 2008

Praxis (Theory + Practice)

  • Tagumpay na naisagawa ang mid-assessment ng tatlong
    grupong nakatoka sa akin para sa 2008 practicum:
    Zambales (May 3), Cavite (May 4) at Bulacan (May 6).
    Gayundin naman sa mga grupo sa ilalim ni
    Dr. Ed Villegas (Batangas at Laguna)
    at Atty. Karol Baguilat (Rizal at Tarlac).
    Nakakakalahati na sila sa practicum. Padayon!
  • Taun-taong ipinapaalala sa akin ng bawat pagbisita
    ko sa mga practicum area ang atrasadong
    kalagayan ng ekonomya at pulitika sa bansa.
  • Naniniwala ang Development Studies Program
    na "baog ang teorya kung hindi nilakipan ng praktika."
  • Taong 2000 ako sumailalim sa practicum.
    Central Luzon Aeta Association (CLAA) ang
    people's organization (PO) ang humawak sa
    aming grupo at si Atty. Mia Wacnang na nasa ika-apat
    na taon noon sa DevStud ang aming giya (guide).
  • Sa ikalawang linggo ng Hunyo itatanghal ang paglalahad
    ng karanasan ng mga practicumer sa pamamagitan
    ng audio-visual presentation, exhibit, hand-out,
    poetry reading at iba pang pangkulturang
    presentasyon upang maibahagi sa mas maraming
    guro at kapwa mag-aaral.

SS 120 science communication speech (Nov 26)

Deliver an  original  speech about your assigned topic. Limit the speech to   three minutes only . Introduce yourself properly. Provide an  ...