Friday, June 20, 2008

Pinoy Weekly

Ikinalulungkot kong malaman sa isa sa mga patnugot mismo
ng Pinoy Weekly na si G. Bonifacio Ilagan ang balitang hindi
na makakapaglabas ang Pinoy Weekly ng print out kundi
online version na lamang. Nakapanghihinayang lalo na dahil
ginagamit itong babasahin ng aking 6 na klase sa pamantasan.
Itinatampok sa Pinoy Weekly ang mga napapanahong isyung
panlipunan lalo na yaong mga kinakaharap ng mga batayang sektor
gamit ang makabayan, malalim at kritikal na pagsusuri.
Kaiba ito sa naglipanang mga "basurang babasahin" sa paligid.

SS 120 science communication speech (Nov 26)

Deliver an  original  speech about your assigned topic. Limit the speech to   three minutes only . Introduce yourself properly. Provide an  ...