Thursday, September 25, 2008

Babae

Hindi lamang isa o dalawang beses ko narining sa iba na kaya diumano
"minamalas" ang Pilipinas ay dahil babae ang kasalukuyang pangulo.
Ganitong-ganito rin daw ang kalagayan ng bansa noong panahon ni Gng. Aquino.
Totoo ngang biktima pa rin ang mga kababaihan ng pagtatangi sa lipunan.
Isinasaisang-tabi ng patriyarkal na pananaw na ito na
ang puno't dulo ng krisis ay ang nananaig na sistema.
Totoong dapat din silang managot pero hindi ito dapat iugat sa kanilang pagiging babae
kundi sa kanilang ideolohiya at sa sistemang nagluwal sa ganitong ideolohiya.

-Poldo Pasangkrus

DS 100

1. "unholy alliance" 2. power and control 3. development 4. value-free Social Science 5. social situatedness when the DS Program w...