Dahil naging mahusay sa pangkalahatan ang itinanghal na mga talumpati ukol sa ekonomyang pulitikal ng industriya ng transnasyunal na pagmimina, binabawi ko ang inanunsyong dalawang karagdagang pahina na kailangang isumite sa susunod na linggo. Sa halip ay ipasa na lamang ang mga iniwastong pahina na isinumite ninyo ngayong Sabado (na sisikapin kong maibalik sa Martes). Isumite rin ang mga nakaraang pahinang hindi pa ninyo naibabalik ang wastong kopya para mas maaga nating matipon at mabuo proyektong libro.
Maghanda mabuti sa ikalawang bahagi ng show and tell. Ilimita sa 2 minuto ang talakayan bawat mag-aaral. Magpasa rin ng 1-pahinang ulat ukol dito (sulat-kamay). Maghanda rin sa mahabang pagsusulit ukol sa mga babasahin ibinahagi. Salamat.
Saturday, September 20, 2008
DS 112 tourism concept map
Produce an infographic about tourism. Use 8-10 references for this task. Use any or combination of the following perspectives/frame of analy...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...