Wednesday, October 15, 2008

Attendance checking

Sa ibang pribadong pamantasan, may mga naglilibot na attendance checker na sumisilip sa bawat silid 15 minuto makalipas ang simula ng klase (upang maiwasan ang labis na pagkaantala nito) at 15 minuto naman bago magtapos (upang maiwasan ang masyadong maagang pagtatapos nito). 2 beses!

Hindi ako sang-ayong ipatupad ito sa Bundok Puting Bato.

Pero hindi rin ako sang-ayon sa mga mapagsamantalang guro na mas madami pa ang pagliban sa klase kaysa sa ipinasok (noon mang mga nakaraang semestre o hanggang sa kasalukuyan).

Ang mungkahi ko ay pagbatayan ang student evaluation.
May katanungan dito ukol sa dalas ng pagliban ng guro sa klase.

Mataas na ang matrikula (at pamasahe) ngayon.

Ang malimit na pagliban sa klase ay insulto sa mga mag-aaral.
Mas malaking insulto kung walang abiso, walang kinalaman sa asignatura
at hindi mahalaga ang dahilan ng pagliban.

DS 112 concept map on CPBI in/through MIL

Convene your group. Exercise collective leadership. Produce a concept map based on this assigned reading material: Employing Critical Place-...