Wednesday, January 14, 2009

Paradigm shift in spending pattern

Ayon kay G. Ben Rances ng Area Studies, dapat daw ay ugaliing magtabi ng 20% ang mga mag-aaral mula sa kanilang baong pera kada linggo. Magsisilbi itong pagkukunang pondo para sa agarang pangangailangan o bahagi ng kanilang ipon, dagdag niya. Ito rin ang gustong bigyang-diin ni G. Francisco Colayco sa akda niyang Wealth Within Your Reach. Sa halip na INCOME - EXPENDITURE = SAVINGS, dapat daw ay INCOME - SAVINGS = EXPENDITURE ang maging panuntunan ng mga mamamayan sa pampinansyang aspeto. Kumbaga sa halip na iaasa ang savings sa anumang matitira (kung meron man) mula sa income, dapat daw ay ibawas agad ang savings at pagkasyahin ang anumang matitira para sa mga gugulin o kagastusan. Inaasahan na sa pamamagitan nito ay mas magiging disiplinado ang mga mamamayan na mag-impok. Kaso paano kung sadyang kulang na kulang ang kita at patung-patong ang gastos?

DS 112 concept map on CPBI in/through MIL

Convene your group. Exercise collective leadership. Produce a concept map based on this assigned reading material: Employing Critical Place-...