Sunday, February 15, 2009

Mga pananaw ni G. John Nery ng PDI ukol sa eleksyon sa Pilipinas

  • Kung pagbabatayan ang mga nakaraang sarbey, lumalabas na limitado na lang sa 6 ang labanan sa pagkapangulo - Noli, Loren, Manny, Chiz, Lacson at Roxas. At ang labanang ito ay magiging mahigpit. Naniniwala siyang dapat idiskwalipika si Erap kung pagbabatayan ang texto at kaluluwa ng Konstitusyon.
  • Mahabang panahon ang kailangan upang mapagtibay at matiyak ng isang kandidato ang kanyang layuning manalo sa halalang pampanguluhan. Kanya ring binigyang-diin na sa karerang ito, mas maagang tumutukoy ang mga mamboboto ng pagpipilian nila. "We are not ready for overnight candidacies," giit niya.
  • Bentahe sa bahagi ni Mar Roxas ang maikasal kay Korina Sanchez. Ayon kay G. Nery, "He needs to hurdle an invisible barrier: No bachelor will win the presidency in a famously family-oriented polity."

DS 112 e-booklet project based on the chosen book from the library (December 5)

   Convene the members of your book project. Be sure that you have read and studied your chosen material. Submit an e-booklet featuring/insp...