Friday, March 13, 2009

Babala

  • Lalaganap ang mga pekeng pera
    na ipamumudmod para nalalapit na eleksyon.
    Mga pulitiko at sindikato (may pinag-iba ba?) ang nasa likod nito.
    Ganito rin ang nangyari noong mga nakaraang halalan.

  • Mag-ingat sa mga "shoulder surfer"
    http://en.wikipedia.org/wiki/Shoulder_surfing_(computer_security)
    Sa paglala ng pampinansyang krisis,
    lalong tataas ng kaso ng kriminalidad.

  • Mag-ingat sa "double burden" of diseases.
    Lumalaganap ito sa mga mahihirap na bansa kung saan
    may mataas na kaso ng nakahahawang sakit (hal. TB) at malnutrisyon
    kasabay ng lifestyle-related illnesses (hal. diabetes, heart ailment).
    Sabay na umiiral ang sakit ng mahihirap at sakit ng mayayaman.
    Ayon WHO, sanhi ito ng maduming kapaligiran,
    hindi wastong nutrisyon mula kapanganakan hanggang sa pagtanda,
    kawalan ng ehersisyo at iba pa.

  • Mananatiling atrasado ang Pilipinas hangga't hindi ito nakakapaglunsad
    ng tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon.
    Hangga't nanaig ang pyudal at malapyudal na pagsasamantala,
    mananatiling ganito ang sitwasyon ng bansa at ng mga mamamayan nito.

DS 112 tourism concept map

Produce an infographic about tourism. Use 8-10 references for this task. Use any or combination of the following perspectives/frame of analy...