Sunday, March 01, 2009

Epekto ng kasalukuyang pampandaigdigang pinansyang krisis

  • Ayon sa ulat, tumataas ang demand sa de-latang sardinas dahil sa pampinansyang krisis.
  • Dumadami rin ang nagsisimba pero bumababa ang kabuuang halaga ng mga nagbibigay ng donasyon tuwing misa.
  • Maging ang industriya ng pornograpiya sa U.S. ay humihingi na rin ng saklolo (bail out) sa pamahalaan.
  • Noong nakaraang Pasko, maraming Amerikano nagsabing muli nilang iniregalo sa iba ang dati nilang natanggap para makatipid.
  • Upang mapataas ang benta sa kabila ng krisis, may promo ang isang kompanya ng sasakyan na maaari itong ibalik sa kanila kung sakaling mawalan ng trabaho ang bumuli sa sumunod na taon.
  • Ang mga dating aroganteng serbidor ay nagbago sa pakikitungo sa kanilang mga kliyente upang patuloy at mas madalas na bumalik sa kanilang establisimyento.
  • Lumaganap ang staycation (stay + vacation). Ito ay ang pagbabakasyon na lamang sa sariling pamayanan sa pamamagitan ng pagbisita sa mga kaibigan, kamag-anak, lokal na museo o parke, o pananatili na lamang sa bahay para makatipid.
  • Lumaganap din ang 'suiciety'* o ang pagpapatiwakal dahil sa kawalang pag-asa o kahihiyang dulot ng pagkalugi ng ipinuhunang salapi sa stock market.
  • Sa U.S., mas dumadami ang kusang nagbibigay o napipilitang magbigay ng diskwento sa kanilang mga produkto o serbisyo. Subalit nangangamba ang mga negosyante na baka umabuso ang kanilang mga mamimili.

    Kung may maidadagdag kayo, isulat ito sa papel (1/4 sheet) at ipasa sa darating na linggo.

    _______________ ________________
    *Ms. Bautista, salamat sa pagbabahagi ng termino.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...