Tuesday, March 24, 2009

Liham para kay Sir ___

Sir ____,

Magandang umaga po.
May nabalitaan po ako kahapon ukol sa
inyong planong maagang pagreretiro.

Hindi ko po alam kung may katotohanan ito.
Una ko pong inisip ay sana hindi ito totoo.

Bihira po sa mga nagtuturo ng komunikasyon ang nilalapatan ito
ng matalas, makamamamayan at makauring pagsusuri kaya kung
totoo man po ang nabalitaan ko ay tiyak na malaki kayong kawalan.

Nakakapanghinayang na hindi mabigyan ang mga mag-aaral
ng pagkakataong mamulat at malinyahan ng tumpak.

Ang mga naibabahagi ninyong kaalaman sa larangan ng
komunikasyon, sining at kalinangan ay may napakalaking ambag
sa pagpapanday ng kamalayan ng mga mag-aaral (at kapwa guro).

Umaasa po kami na ipagpaliban ninyo muna ang pagreretiro.

Kailangan po ng mga mag-aaral at ng mga kapwa ninyo guro
ng gabay lalo na sa kasalukuyang yugto ng krisis at ligalig.

Salamat po.

SS 120 science communication speech (Nov 26)

Deliver an  original  speech about your assigned topic. Limit the speech to   three minutes only . Introduce yourself properly. Provide an  ...