Sunday, April 19, 2009

Mga dahilan kung bakit kumukuha ng masterado o doktorado ang isang tao

  • Para magpakadalubhasa
  • Para magkaroon ng bagong karanasan at kaalaman
  • Para may maiambag na bagong kaalaman sa literatura
  • Para huwag tuluyang makalimutan ang inaral
  • Para subukin ang kakayahan o alamin ang limitasyon
  • Para tumaas ang ranggo; para maging administrador
  • Para tumaas ang sahod
  • Para magkaroon o madagdagan ang kredibilidad
  • Para tumaas ang kwalipikasyon
  • Para magkaroon ng permanenteng trabaho
  • Para magkaroon ng direksyon ang career
  • Para makalipat ng kumpanya o linya ng trabaho
  • Para dumami ang kakilala (na kapaki-pakinabang paglaon)
  • Para makapagturo sa kolehiyo
  • Para may pagkaabalahan lang
  • Para patuloy na tustusan ng magulang o asawa
  • Para ipagpaliban ang paghahanap-buhay
  • Para takasan ang ibang bagay na mas mahalaga
  • Para mawala ang umay, pagkaburyong o pagkasawa sa trabaho
  • Para makipagkumpitensya, makipagsabayan o para 'di mapag-iwanan
  • Para may maipagmalaki sa sarili o sa kapwa
  • Para ituloy ang kinagawian sa pamilya o barkada
  • Para mapagtakpan ang ibang kahinaan
  • Para sa pangangailangang itinakda ng institusyong kinabibilangan
  • O kumbinasyon ng ilan sa mga nabanggit

    May maidadagdag ba kayo?

SS 120 science communication speech (Nov 26)

Deliver an  original  speech about your assigned topic. Limit the speech to   three minutes only . Introduce yourself properly. Provide an  ...