Sunday, May 17, 2009

random thoughts

  • Nakabili ako ng isang kopya ng Harvard Business
    Review (HBR) sa halagang P5 lang.
    Ang kaparehong kopya ay nagkakahalaga
    ng P980 sa ibang tindahan.
    Kamakailan ay nakabili ako ng 36
    libro sa halagang P5 lang bawat isa.
    Malaking tulong sa isang propesyong may mababang sweldo.
  • Maraming bangko ang laging off line kaya labis na naantala
    ang kanilang serbisyo at naabala ang publiko.
    Sa halip na maging episyente, nagiging kabaligtaran ang
    sitwasyon. Call it the irrationality of rationality.
  • 3 ang nakikita kong dahilan kung bakit hindi makaipon
    ang mga kabataang naghahanap-buhay:
    -maliit ang sweldo
    -maraming mahahalagang kagastusan
    -subalit marami ring mga kagastusang hindi pinag-iisipan ng lubos
  • FLEXIBILITY = bentahe ng pagtuturo sa kolehiyo
  • Maraming organisasyon ang nagsimula ng masikhay
    pero tumatamlay o hindi na nararamdaman paglaon.
    Tiwala akong hindi ito mangyayari sa UPerture.
    Ang UPerture ay bagong tatag na photography
    organization sa UP Manila. Ang pangalan ay halaw
    mula sa UP + aperture (isang bahagi ng kamera).
    Si MK de Guzman (DevStud graduate) ang tagapangulo
    at si Prop. Manzanilla naman ng DAC ang tagapayo.
  • Salamat sa mga sumusunod sa pagpapadala
    ng inyong mga larawan sa practicum sa
    pamamagitan ng e-mail:
    -Jelly-Wyn Bangit
    -Veronica Arreza
    -Ida Marie Pantig
    -Katrin Carla dela Paz
    -Bea Rigodon
    -Elline May Buenaventura
    -Constantino Fajardo
    -Margaret Laforteza
    -Dana Frias
    -Kristine Roque
    -April Esteban
    -Paola Lepatan
    -Janina Lu
    -Joarlyn Morano
    -Maple Solano

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...