Wednesday, May 20, 2009

Malabnaw, hilaw, malasado

  • Inaakala ng iba na dahil lang araw-araw nilang nasisilayan
    ang iba't ibang mukha ng kahirapan sa kanilang paroo't
    paritong pagbibiyahe sakay ng jeep ay ganap na nilang
    nauunawaan ang masalimuot at malalang problemang ito.
    Mga "jeepney sociologist" ang tawag ko sa kanila.
  • Maraming nag-aastang antropologo ang nagkakasya na
    lamang sa pagtatampok ng mga kuhang larawan ng mga
    katutubo. Nakikipot na lamang sila sa pagpapakita
    ng kanilang natatanging kultura sa pamamagitan ng
    photography. Doon lang nagsisimula't natatapos.
    Mga "postcard anthropologist" ang tawag ko sa kanila.
    Walang layunin na alamin ang suliranin ng mga katutubo
    at makiisa sa kanilang pakikibaka upang igpawan ito.

DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)

Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...